No longer the sleepy town it once was, Bongabong is a 1st-class municipality and one of the booming local economies in the Province of Oriental Mindoro. It is a go-to destination of historical/cultural sites and great outdoor areas and natural wonders. Home to some 72,000 friendly locals (2015 census) including 15,000 Indigenous People from two Mangyan tribes, Bongabong is situated in the southeastern portion of the Island of Mindoro, and 104kms from the provincial capital of Calapan City.

        The Municipality of Bongabong with its immense land area spanning 49,820 hectares is hailed as the Center of Organic Farming in the Province of Oriental Mindoro. Thru the leadership of its Local Chief Executive, Bongabong is committed to foster and promote the development of sustainable food systems based on the organic philosophy and principles.

        On the 19th of March of each year, the Municipality of Bongabong turns to its festive mood and jovial atmosphere as it celebrates its town fiesta --- the Sulyog Festival, which is a day of thanksgiving for a bountiful harvest of the local farmers. The word “sulyog” is a portmanteau of the two words “suli,” the Mangyan word for banana, and “niyog.” It coincides with the Feast Day of the municipality’s patron saint St. Joseph.

• Quick Facts about Bongabong


"The town of Bongabong is at present one of the most progressive and fast growing municipalities in the province of Oriental Mindoro with a total land area of 49, 820 hectares and stretching far and wide crossing the vast agricultural lands from the boundary of Barangay Sumagui, Municipality of Bansud, Oriental Mindoro starting at “Dalapian Creek” to Bato crisscrossing two long rivers up to the intertior of the so-called “Bongabong River” ending at Barangay Morente and Batangan at the South before Roxas town."





• Vision


        "THE CENTER OF ORGANIC FARMING IN ORIENTAL MINDORO" A community with God Loving, well informed, healthy, self-reliant, empowered and vigilant citizenry, who lived in a balanced, attractive and safe environment, and a globally competitive, diversified and environment-friendly economy, under a firm, decent, progressive leadership with strong public-private partnership".


• Mission


        • A transparent, just and participative governance with efficient and competitive public servants working together with the civil society for a self-reliant community.
        • A municipality where its community members are safe and secured, morally upright, academically competent, healthy and economically productive ensuring the realization of an empowered agri-based community.
        • An accelerated economy anchored on and sustain through agri-tourism and engaged in different business enterprises.
        • An ecologically balanced and hazard-protected habitat supporting the aspirations of the community.
        • A municipality where its staffing pattern are humble, discipline, dedicated, morally upright, academically competent responsible and God-fearing ensuring the realization of programs and strategies that will increase the outcome of health, education, income, agriculture, transportation, social protection, peace and order, tourism and other services.




The History of Bongabong

• Mythical Origin

        Several articles were written on the history of Bongabong but not one could be officially considered. The closest assumption, however, is that the name Bongabong was derived from the word “Binago” meaning a big and turbulent river, attributed to the first settlers known as the Mangyans. This turbulent river is now called the “Bongabong River".

        It is believed that the first set of government was established at the original town site in Sitio Anilao where the old church still stands. Due to frequent Moro raids, however, the settlement was later transferred to the southern bank of Bongabong River, opposite its present site

        The town was given several names such as “Binago” and “Sukol” named after the river leading to Anilao, which was said to be a barrio with historical significance. During the short-lived revolutionary administration, the town’s name was changed to “Sumilang” by Col. Juan Naguit, a close friend of Gen. Emilio Aguinaldo. On 7 December 1927, it was officially recognized as the town of Bongabong through Legislative Bill No. 3415 of the colonial Philippine Commission.


• Bongabong and the American Era



        During the American Era, the town was attached to Pinamalayan as a barrio due to its poor financial condition, which could not maintain a local government. It was not until 1920 that this town became a separate municipality. With the opening of the national highway in 1937, Bongabong progressed so rapidly. The settlers rushed in to seek land and work. And because of the abundance of undeveloped and uncultivated lands, many settlers were able to acquire larger areas, which convinced them to settle permanently in the area.

        The town’s progress may be attributed to its vast agricultural land and forest resources, which are the main sources of the means of livelihood of the people. The town’s 36 barangays are distributed over a vast sprawling agricultural area. Coconut plantations cover the coastal plains. The opening of several sawmills in 1945 along with an increasing number of commercial establishments also contributed to this progress. The income of Bongabong then began to soar. Minor products abound in the area which includes almaciga and rattan. Many fishermen enjoy lucrative income from the excellent fishing grounds along the coast of the municipality.





• The Founding





The first Municipality in the Island of Mindoro that fought and expressed its grievances against the cruelty and tyranny of the Spaniards againsts the Filipinos. The Municipality was officially created & recognized under Legislative Act. No. 3415 on December 7, 1927.




List of Municipal Mayors and OICs

Hon. Elegio A. Malaluan

July 1, 2016 - Present


Hon. Hercules A. Umali

July 1, 2007 - June 30, 2016

Hon. Alex I. Enriquez

Take over in July 11, 1996 - June 30, 2007

Hon. Renato U. Reyes

Elected in 1980 - July 10, 1996

Hon. Jose Enriquez

Elected in 1972 - 1979

Hon. Pedrito A. Reyes

Take over in 1969 - 1971

Hon. Ernesto A. Umali

Elected in 1964 - 1969

Hon. Felipe Manalo

Elected in 1960 - 1963

Hon. Dr. Angel Rodriguez

Elected in 1952 - 1959

Hon. Ismael Manalo

Liberator Mayor

Hon. Jacinto P. Isler

Appointed during the Japanese Occupation

Hon. Brigido Manalo

Elected in 1931 - 1933
Elected 1934 - 1940

Hon. Rosendo Umali

Elected in 1922 - 1930
Elected - 1941 until the Start of the Second World War
Elected in 1948 - 1951

Hon. Fausto Abao

Elected in 1919 - 1920

Hon. Juan Gozar

President in ALDEA in 1904

Hon. Isidro Umali

Appointed during the Civil Government in 1902

Hon. Camilo Umali

Appointed during the Spanish Regime when the town was still called SUMILANG

Agriculture

The Municipality of Bongabong is the center of farming, including cultivation of the soil for the growing of crops and the rearing of animals to provide food and other products.

Municipal Agriculture

Bongabong Oriental Mindoro

Municipal Agriculture

Land Area of Bongabong

Area Planted, Area Harvested, Production and Ave Yield

Land Area of Bongabong



Ang Bayan ng Bongabong ay binubuo ng 36 na Barangay






• Barangay Poblacion, Barangay Ipil, Barangay Bagong Bayan I, Barangay Bagong Bayan II at Barangay Aplaya


Ang poblasyon ng bayan na siyang kinatatayuan ng bahay pamahalaan ay sa gitna ng lahat ng Barangay mula sa hilaga hanggang Kanlurang Munisipalidad. At ito noon ay binubuo ng pook Aplaya, Ipil, Balite- Subdivision, Riverside at ang pook ng Bagong Bayan.

        Noong si G.NEMESIO U.MELENDREZ ay mapalipat ng panunungkulan mula sa distrito ng Bayan ng Bansud dito sa bayan ng Bongabong bilang District Adult and Community Education Coordinator ay ibinuhos niya ang kanyang mga panahon at kakayahan para mabago ang mga pananaw ng mga mamamayan sa poblasyon sa pamamagitan ng edukasyon.Pinagbuti niya ang kanyang panunungkulan bilang isang guro at tagapag- ugnay ng mga guro at ng mamamayan sa proyektong pangkalusugan,pangkalinisan at ang pagpapaganda ng komunidad ng APLAYA,IPIL,RIVERSIDE,BALITE SUBDIVISION. Nahikayat niya ang mga mamamayan na magtayo ng kanya-kanyang palikuran sa mga pook na ito,linisin ang kapaligiran,magtanim ng ibat-ibang mga tanim na namumulaklak at magkaroon ng kanya-kanyang mga halaman sa palagid ng mga tahanan dito.


Dahil nga sa kasipagan at pagtutulungan ng mga mamamayan,umunlad ang mga pook na ito sa pamumuno ni G. Nemesio U. Melendrez kung kayat siya ay nabigyan ng award ng Municipal Council ng bayan at isang kapasiyahan o resolusyon ng konseho bilang 137 sa pagkilala sa kanyang mabuting gawa at pagpapaunlad ng pamayanan. Siya ay nahirang sa panahong iyon na Outstanding Barangay Kapitan ng Bongabong at Outstanding Barangay Kapitan ng Silangang Mindoro.

        Dahil sa pagdami ng tao sa pook na ito ay dumalaw ang dati o naging Kalihim ng Department of Social Welfare Administrator na si Kalihin ESTELA SANDICO at ang Kalihim na ito ay nagsusog ayon din sa rekomendasyon ni G. Nemesio U. Melendrez kay Punong Bayan JOSE A. ENRIQUEZ,ama ng kasalukuyang Punong Bayan ALEX I.ENRIQUEZ, na ang Poblasyon ng bayan ng Bongabong ay hatiin sa limang Barangay para lalong gumanda at umunlad ang mga pook na ito at sa ikabubuti at ikaaalwan ng pamamahala. Kung kayat ang boong poblasyon sa mungkahi at susog ng mga ito ay pinagtibay at ipinasa ang isang kapasyahang pambayan na hatiin na nga sa limang Barangay ang Poblasyon kung kaya’t mula na noon ay nagkaroon ng limang Barangay ang Poblasyon ng Bayan ng Bongabong at ito ay ang mga Barangay ng BARANGAY POBLACION,BARANGAY IPIL,BARANGAY BAGONG BAYAN I,BARANGAY BAGONG BAYAN II AT BARANGAY APLAYA.






Ang kasalukuyang mga namumuno sa mga Barangay na ito ay ang mga sumusunod:

BARANGAY POBLACION
Punong Barangay:
JEREMY I. ENRIQUEZ

Mga Kagawad:
  1. ANGELES F. SABADA
  2. ALFONSO G. SOLIS
  3. TEODORO C.RAMIREZ
  4. RODOLFO S.SARDAÑAS
  5. MILAGROS R. REY
  6. MERLINDA R. DE CASTRO
  7. WILLIAM S. MARIGUMEN



BARANGAY IPIL
Punong Barangay:
FORTUNATA A. MONTALBO

Mga Kagawad:
  1. MARNARD M. PANGANIBAN
  2. RICHARD S. CANDELARIO
  3. CONCHITA R. CORDERO
  4. EDWIN AMPARO
  5. RONNIE A. GERVACIO
  6. MATILDE R. SIGUE
  7. MANUEL R. MENDIZABAL

BARANGAY BAGONG BAYAN II
Punong Barangay:
ANASTACIO D. ANTHONY

Mga Kagawad:
  1. ROBERT H. SOSA
  2. CRISANTO P. ARGELLUES
  3. WENDELL C. VIRTUCIO
  4. ROBERT G. COBRADO
  5. JULIAN E. ESON
  6. WILLIE M. CABUDIL
  7. ROBELYN A. ALBA

BARANGAY APLAYA
Punong Barangay:
ROLANDO S. MARANAN

Mga Kagawad:
  1. HELEN A. PUNZALAN
  2. IÑIGO M. FLORENDO
  3. VERGILIO R. REMENTILLA
  4. MANUEL D. LIVELO
  5. PRIMITIVO H. CASAPAO
  6. ROGELIO M. MATINING
  7. RODOLFO S. ZOLETA

• Barangay Anilao History


Maituturing na isa sa pinakamakasaysayang Barangay sa buong bayan ng Bongabong ang Barangay ANILAO. Ang mga labi ng isang lumang simbahan at kuta na naitayo noong pang-17 na daang taon, sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Sitio Kuta ay isang matibay na patotoo sa barangay na ito naganap ang makasaysayang pangyayari sa halos ay tatlong daang taon nilang pananakop at pagpapahirap sa mga Pilipino na sa pamamagitan ng dala nilang krus at sandata ay aglahiin ang dangal at puri ng Perlas ng Silangan.

      Matatagpuan ang barangay na ito, siyam na kilometro dakong Hilaga ng Bayan ng Bongabong at mararating sa pamamagitan ng pagdaan sa dagat o sa pamamagitan ng bangkang de-motor o di kaya ay bus o sa dyipni. Sa dakong Silangan ng Bongabong ay ang Tablas Strait, nasa Kanluran naman ang Barangay Orconuma, Bongabong ang nasa dakong Timog samantalang sa Hilaga naman ang Barangay Masaguisi.

      Ang pinagmulan ng pangalang ANILAO ay kuha sa isang palatandaan para sa mga manlalakbay at ito ay madawag at ang makapal na kakahuyan na halos ay tuwid ang matayog na pagkakatayo. Kapansin-pansin ang dahon nito na ang kalahati ay berde samantalang ang kalahati o bandang kabila ay maputi-puti at may gitling-gitling na pula sa gilid. Ang tawag sa mga punongkahoy na ito ay ”ANILAO”. Na nang lumaon ang malawak na kahuyan ay tinawag na gubat ng Anilao na siyang naging pangalan na ng Barangay na ito.

      Noong mapasailalim ng pamahalaang Kastila ang Mindoro na ang pangunahing layunin ay palaganapin ang pananampalatayang Katoliko sa mga katutubo ay ipalalabas ang isang Royal Decree noong Hunyo 18,1677 na nag-uutos kay Don JUAN VARGAS Y. HURTADO, Governador Heneral ng Pilipinas na ipailalim sa Recolektos Order ang Mindoro. Dahil dito, ang mga paring Recolektos ay nagpatayo ng limang Kumbento. Ang una ay sa Baco, Pinamalayan, Sumagui at Bongabong. Noong 1737,inilipat sa Bongabong ang ika-apat na Kumbento dahil sa palagiang pag-atake ng mga Moros. Dahil dito, ang pamayanan ng mga recolektos ay nalipat sa konkretong simbahan at moog na itinayo ng mga Pareng Husweta bilang proteksyon laban sa mga Moros. Subalit at dahil sa unang pananalasa ng mga Moros, ang pamayanan ay nalipat sa kabila ng ilog, sa Mararog at minsan pang nailipat sa kinalalagyan nito sa kasaalukuyan.






Dahil sa takot sa mga Moros, naiwan na ng lubbusan ng mga mamamayan ang lugar na ito. Ang iba ay lumipat kung saan naroroon ang mga Pari at pamahalaan samantalang ang iba naman ay nag-ibang lugar na lang. Ang dati ay papaunlad na pamayanan ay naging hungkag at di naglaon ay muling naging gubat. Ang dating Kuta at simbahan na Sentro ng Pamahalaang Kastila at pananampalatayang Katoliko ay muling nilamon ng dawag at gubat. Ang dati–rati ay itinuturing na dakong may kabanalan at dasalan ay ginawang pugad ng mga mapaghangad na tulisang naghahanap ng nakabaon na kayamanan.

      Makaraan ang maraming taon ay muling napagtuunan ng pansin ang mayaman at matabang lupain ng Anilao. Ang pagiging patag nito at pagiging malapit sa tabing dagat ay umakit sa mga dayuhan upang buhaying muli ang pamayanan. Dumating ang mga taong nagmula sa Isla ng Tablas, mga Marinduqueno at binukid nila ang lupa, nagtanim ng niyog at palay kung tag-ulan at mais kung tag-araw. Ang ilan ay naging mangingisda samantalang ang iba naman ay nag-aalaga ng mga hayop. Lumaki at lumago ang pamayanan subaalit hindi na sa dating kinalalagyan nito. Nalipat ito, mga isang kilometro at kalahati sa bandang Hilaga ng kuta bagaman at may ilan na naninirahan sa malapit sa lumang simbahan. At muli ay sumilay ang bagong umaga para sa Barangay Anilao.

      Sa kasaysayan, ay matatagpuan noon ang malawak na ilog ng Bongabong sa pagitan ng Anilao at Mararog. Ang ilog na ito ay kilala sa pabago-bagong pag-uugali. Sa tuwing magkakaroon ng malawakang pagbaha ay nag-iiba ito ng dinadaanan sa halos ay isang kilometro ang lapad ng magkabilang pampang. Isang napakalakas na bagyo noong Nobyembre 21,1951, ang bagyong “WANDA”, ang nagpabago sa takbo ng Bongabong River. Sa pamamagitan ng napakalakas na pagbaha ay binutas nito ang lugar na kinatatayuan ng Kuta sa pamamagitan ng ilog ng “Sucol” at di naglaon ang dating maliit na sanga ng ilog ay lumaki hanggang sa tuluyang lumipat ang kurso ng ilog at iniwan na ang dating dinadaanan nito, na nagkakaroon ng di mabuting epekto sa kabuhayan ng taga-Anilao. Namatay ang mga dating bukal na pinagkukunan ng tubig ng Anilao na ano pat napilitan ang ilang mga magsasaka na iwanan na ang kanilang mga binubukid. Bunga nga nito ay naging mabagal ang pag-unlad ng Anilao at mabagal din ang paglaki o pagdami ng mga naninirahan dito.

      Walang iniwanang kaunluran sa Barangay Anilao ang pananakop ng mga Kastila sa dahilang iniwan ng mga tao ang lugar naito at lumipat sa iba. Sa panahong pananakop ng mga Amerikano ay saka pa lamang dumating ang mga dayuhan na nagmula sa mga karatig bayan tulad ng Romblon, Marinduque at Batangas. Ang mga baybaying dagat ay tinaniman ng niyog, samantalang nalalabing kapatagan ay tinaniman ng palay at mais samantalang lubhang kalawakan pa nito ay nanatili pa ring gubat hanggang sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Mahirap ang daan sa lugar na ito nasiyang nagsisilbing dahilan ng mabagal na pag-unlad nito. Ng nabuksan ang National Road noong 1938 mula sa Provincial Road na dumaan sa Barangay Anilao hanggang sa Barangay Masaguisi at ang pagbubukas at pagkakaroon ng kalsada ay nagsimula ang utay-utay na pag-unlad nito. Nagkaroon na ng paaralan. Naipatayo ang Anilao Primary School sa lote na donasyon ni Gng. PAULA LAZARO at BONIFACIO SELDA hanggang sa ito ay naging isang ganap na kumpletong Paaralang Elementarya.

      Sa panahon ng panunungkulan ng kasalukuyang Punong Barangay AGUSTIN M. FAMORCAN, SR, ay nalagyan ng Barangay Road ang Sulbod, Anilao at Kuta Anilao. Naisakatuparan din ang pag–unlad ng malaking palaisdaan sa pamamagitan ni Heneral PROSPERO OLIVAS at Heneral GALANG. Sa pamamagitan naman ni Kinatawan JESUS PUNZALAN ay naitayo ang isang Health Center na nagsisilbing palingkuran ng mga tao tungkol sa kalusugan.


MGA KILALANG NAGLILINGKOD SA BARANGAY ANILAO
AY ANG MGA SUMUSUNOD

1. VICTORIANO SALES       :       Kabisa de Barangay
2. LEONICIO VITTO       :       Kabisa de Barangay
3. GERARDO ARRIOLA       :       Tinyente del Baryo
4. PRIMITIVO ZOLETA       :       Tinyente del Baryo
5. JUAN BARACCA       :       Tinyente del Baryo
6. CONSTANCIO ISLER       :       Tinyente del Baryo
7. JUANITO MABUNGA       :       Tinyente del Baryo
8. LAEDELINO ABAO       :       Tinyente del Baryo
9. RISTITUTO RODRIGUEZ       :       Tinyente del Baryo
10. JUANITO AURELLIA       :       Tinyente del Baryo
11. LEOPOLDO DELOS SANTOS       :       Tinyente del Baryo
12. BENJAMIN ARRIOLA       :       Brgy. Kapitan 1967 - 1971
13. ANGELITO ATIENZA       :       Brgy. Kapitan 1971 - 1982
14. AGUSTIN FAMORCAN, SR       :       Brgy. Kapitan 1982 hanggang sa kasalukuyan.


Lalo pang pinaunlad ang Paaralan sa pamamagitan ng dalawang bagong gusali na may kabuuang limang silid-aralan noong 1987 at 1990. Nabuksan din ang isang Day Care Center sa Sitio Kupang.






• Barangay Batangan History

1. January 24, 1936 : Ipinanganak si YAUM SUMBAD

2. 1958 : Hiwa-hiwalay pa rin ang mga bahayan, malalayo sa isat-isa subalit ang mga ito ay may mga sari-sariling bahay at kaingin.

3. 1960 : dumating si ROMEO LOZANO sa Batangan, at naging Governador ng mga mangyan at si YAUM SUMBAD naman ang naging Tinyente, ngunit nagbuo parin sila ng anim(6) na konsehal upang maging katulong nila sa pagbubuo ng mga batas sa Batangan.

4. Ang pagkakaroon ng patakaran para sa mga Mangyan.
        1. Kailangan ang lahat ng mga tao na nasasakupan ko ay sumunod magbahay sa Barrio.
        2. Ang sinuman na palipat-lipat ng tirahan ay mag-mumulta ng halagang P50 00.
        3. Ang hindi magtayo ng bahay sa Barrio ay magmumulta ng halagang P15 00.
        4. Ang sinumang magulang na hindi mag-papaaral ng kanyang anaak na may edad na pitong taon (7) ay mag-mumulta ng halagang P25.00.
        5. 1962 - Ang pagkakaroon ng paaralan sa Batangan.
        6. 1962-72 - Ang Batangan ay Sitio lamng ng Barangay Morente
        7. 1966 - Sa pamumuno ni ERNESTO UMALI bilang Punong Bayan ng Bongabong ay nabigyan ng pagkakataon na matulungan ang mga Mangyan na masukat ang kanilang mga lupa.
        8. Mga nagsukat ng lupa:
                1. Ginoong Montilla ng Forestry
                2. Alfredo Buyagao ng CNI
        9. 1967 - Ito ang umpisa ng pag babayad ng buwis ng mga Mangyan sa Bongabong
        10. 1972 – Ang paghihiwalay ng Batangan sa Morente

• Barangay Bukal History


Ang barangay na ito ay nasasakop ng malaking kagubatan na kinakikitaan ng malaking punong kahoy,mababangis na hayop,tulad ng baboy –damo,usa,.tamaraw,matsing at ibat-ibang uri ng ibon. Na sa pagtatakip-silim ang tanging maririnig lamang ay huni ng mga ibon at kulisap.

        Ang mga tao rito noong panahong yaon ay may mga tumbador (namumutol ng kahoy kung tawagin) subalit hindi pa rin sila naninirahan dito kundi umuuwi parin sa kabayanan.

        Si G. FELIX FORMON na galing sa lalawigan ng Romblon ang siyang nangunang nagbukas, namusisyon, naghawan at nanirahang permanenteng sa pook na ito. Sa pag lipas ng panahon noong taong 1948 ay dumating naman ang pamilya ni G. ANDRE REYES, ELIAS TEJADA at CASTILLO na pawang taga-Ibaan, Batangas. Ang pamilyang ito ay naglinis at nagtanim ng ibat-ibang halaman tulad na palay, gabi, kamote at marami pang iba. Na ang pook na ito ay tinaguriang “DOSE” o maylayong labing dalawang kilometro mula sa kabayanan. Na sa pookang ito itinayo ang Paaralang Formon II na mula sa Una,Ikalawa,Ikatlo at Ika-apat na Baitang ng Mababang Paaralan at ang Paaralang Formon I ay doon naman naitayo sa kabilang pook na pinamayanan ng pamilya ng FELIX FORMON sa dako na kung tagurian ay “KATORSE”.

        Nang taong 1950 ang lugar naito ay dinagsaan ng maraming mga tao na galing pa sa mga kanugnog lalawigan na Batangas, Mariduque at Romblon sa dahilang ang malaking ikinabubuhay noon ay ang mga pagtutroso at pagdami ng mga naninirahan ay siyang pag unlad naman ng edukasyon sa lugar na ito. Nagi ng ganap at nabuo ang kompletong “Primary Grades” na nagkaroon ng apat na mga guro na hanggang sumapit ang taong 1956 ng matuklasan ng pamilya ng mga Rayes ang isang malaking puno ng kahoy na ito’y natagpuan ang “isang tunay na buhay na tubig” na patuloy ang pagdaloy kahit dumaan pa ang mahabang tag-araw. Dahil sa dalisay na linamnam ng tubig na ito ay maraming tao ang nasiyahan at silay nagsilipat sa pook na ito upang malapit sila sa bukal na pinagkukunan ng malinamnam na tubig.

        Noong taong 1956,Sa paglakad ng panahon at pag dami na mga mag-aaral ay pinagkasunduan ng pamunuan ng Parents Teachers Association (PTA) sa pamumuno ng anak ng KA ANDRES REYES na si Pangulo FAUSTINO REYES na dagdagan ang paaralan para maging isang kompletong elementarya at sa kahilingang ito ay pinagtibay na lagyan ang lugar na ito ng isang paaralan para sa “Grade V” para sa Ikalimang Baitang at itinalaga na maging Teacher-In-Charge ay si G.GODOFREDO G.HERNANDEZ, SR. Na sa kanyang pangangasiwa ng buong paaralanat natapos ang isang taon ay nabuksan ang Ika-anim na Baitang na bago simulan naman ang pag – aaral ng sunod na taon ay nag karoon ng pinag samang pagpupulong ang pamunuan ng Baryo at Samahan ng mga guro at magulang na dito ay pinagkasunduan sa mungkahi ng Pangulong – guro Fred G.Hernandez na palitan ang dating pangalan ng paaralan na “FORMON II” at gawin itong Bukal Elementary School dahil sa dalisay na linamnam na lasa ng tubig na galing sa bukal sa ilalim ng malaking punong kahoy. Mula na noon hanggang sa ngayon ang lugar na ito ay tinawag na Barangay Bukal na naihiwalay sa dating pangalang “FORMON II” at ang dating pangalang “FORMON I” ay naging Barangay Formon na lamang.

        Lumipas ang maraming taon at naragdagan pa rin ang ditoy naninirahan at namumuhay. Sa di inaasahang pangyayari sa paglilinis ay isang malaking punongkahoy ang nagbibigay lilim sa batis na pinagbubukalan ng malinis at malinamnam na tubig ang buhay ang nasilab. Bagamat ganoon ang nangyari sa bigay ng kalikasan ay naragdagan parin ang dito’y naninirahan kahit naglaho ang dating bukal. Hanggang ang lugar na ito ay isa na rin sa magandang Barangay sa Bayan ng Bongabong.


• Barangay Camantigue History


        Simula pa nang maging isang ganap na Barangay ay taglay na nito ang pangalang Camantigue.

        Ito'y hango sa pangalan ng isang bulaklak na nakukuha sa baybayin ng Barangay.

        Ang mga unang nanirahan dito ay nanggaling sa probinsya ng Kabisayaan, ng Romblon. Ang Barangay na ito ay dating sitio ng Barangay Cawayan kung saan ang mga taga Cawayan ay namimitas ng bulaklak lalo na kung buwan ng Mayo at ginagamit sa pagdaraos ng isang kasiyahang tinatawag ng Flores de Mayo.

        Ang Barangay Camantigue ay nasa hilaga ng Barangay Cawayan, nasa timog ang Dayhagan at sa kanluran nito ay Barangay Ogbot at Labonan at sa silangan ay Tablas Strait.

        May kabuuang sukat na dalawang daan at limamput limang ektarya (255)at 182 dito ang agrikultural (tubigan).

        Taong 1949 nang itoy maging ganap na Barangay at ang unang namuno rito bilang Tinyente del Baryo ay si G.FELIMON PORAS at ng panahong iyon naitayo ang dalawang silid-aralan na yari sa pawid sa pamamagitan ng bayanihan sa pamumuno ng kanilang tinyente del baryo. Sa naitayong paaralan ay naging unang guro si G.LEONCIO GARCIA noong taong 1951, kasabay ang pagkakaroon ng Primary Class ay ang pagkakatalaga kay Bb.ANATALIA MONTESA bilang guro ng ikalawang baitang.

        Taong 1955 ng maging may bahay ni G.GARCIA at si Bb.MONTESA kung kailan nagsimula ang pagunlad ng paaralan. Kaya’t noong 1962 ay nagkaloob ng isang ektaryang lupa si G.ANTONIO NAVARRO para pagtayuan ng paaralan sa pangunguna ni Gng.Garcia. Taong 1965 na maitayo ang semi-permanent Pre Fabricated School sa tulong ni Mayor JOSE ENRIQUEZ, SR at Vice Mayor HIPOLITO CATAPANG na siyang mga pinuno ng Bayan ng Bongabong nong mga panahong iyon.

        Walang naging malaking pagbabago ang katayuan ng Barangay na ito hanggang maging Barangay Kapitan si G.PORCING ORONGAN kung kailan naging kumpletong elementarya ang paaralan sa Barangay na ito. Ito ay sa pangunguna ni G.LIVELO na noon ay District Supervisor ng Bongabong South District. Naragdagan rin ang mga silid-aralan noong mga taong 1987-1988. Sa kasamaang palad ay nasawi si Kapitan ORONGAN sa kamay ng ilang di kilalang tao kaya’t itinalaga si G.EDGARDO MELENDREZ bilang kapitan mula noong 1992.






TALAAN NG MGA KAPITAN NG BARANGAY CAMANTIGUE

1. FELIMON PORAS
2. BANOY DE LA CRUZ
3. FELIMON PORAS
4. BANOY DE LA CRUZ
5. TOMAS ORONGAN
6. NARCISO CARPIO
7. ROLLY FAA
8. MACIANO ORONGAN
9. NARCISO CARPIO
10. PORCISO ORONGAN
11. EDGARDO MELENDREZ
12. ESMAELITO GALINDEZ




• Barangay Carmundo History


Noong taong 1948 ang Barangay CARMUNDO ay tinawag na “Sibyawan” mula sa salitang Mangyan na ang ibig sabihin ay “Ubi”(isang halamang ugat) sapagkat ang kalupaang nasasakop nito ay masagana ang nagiging ani ng nabanggit na halamang ugat.

        Ang pook na ito ay tirahan ng mga katutubong mangyan na sinasakop ng Barangay Malitbog bilang isang Sityo.

        Noon nanunungkulan bilang Punong Bayan ng Bongabong si G. Rosendo Umali.

        Nasasakop naman ng pamamahala ni Tiniente del Baryo Catalino Tibang at Vice Barrio Lt.G.Leoncio Monte, kasama ng Sibyawan ang mga sityo Maramig, Bariw, Ibong Maliit, Ibong Malaki at Pay-pay Ama.

        Habang lumilipas ang panahon ay dumarayo ang mga taga-Batangas at mga Bisaya sa pook na ito upang pagyamanin ang matabang kalupaan, hanggang sa maitaboy ang mga mangyan sa bulubunduking bahagi ng sityo.

        Umunlad ang Bayan ng Bongabong, dumarami ang mga tao hanggang sa ang Sibyawan ay maging isang Barangay na may layong 1,100 ektarya.

        Ang unang Teniente del Barrio ay si G.Cleto Flores na nanunungkulan sa loob ng walong taon at sa kanyang panunukulan ang kanyang unang proyekto ay ang Primary School. Ang sumunod ay si G. Tiborcio Rondero at sinundan ni G.Asuero Flores, na naglingkod ng dalawang taon. Ang kanyang naging proyekto ay ang Barangay Hall na sa ngayon ay Barangay market na. Ang sumunod ay si G.Pedro de Guzman nang ideklara ang Martial Law ay hindi niya natapos ang walong taong panunungkulan sapagkat siya ay umalis sapagkat nagkaroon ng kaguluhan kaya’t umakto si Pedro de Padua ay ang primera konsehal niya.

Magmula noong 1982 hanggang sa kasalukuyan ang namunong Barangay Kapitan ay si Manases Flores. Siya ay namuno ng labing limang taon at sa kanyang panunungkulan marami siyang proyektong naipagawa.

MGA OPISYALES NG BARANGAY

Manases S. Flores : Punong Barangay
Octavio Abanes : Kagawad
Arturo Roda : Kagawad
Eleno del Gado : Kagawad
Faustino Egina : Kagawad
Juanito Dimailig : Kagawad
Roberto Naquita : Kagawad
Jaime Linga : Kalihim
Emilia N. Jandusay : Ingat-Yaman

Gamamiel Flores : K.B Chairman
Gerry Galera : Kagawad
Leomindrick Royo : Kagawad
Mariclair Linga : Kagawad
Marinor Silva : Kagawad
Nimrod Napawit : Kagawad
Eliezer Ramayt : Kagawad

MGA PROYEKTONG NATAPOS

Waiting Shed (30) Municipal Fund P40,000.00
Waiting Shed (1) K.B. Fund P15,000.00
Barangay Hall Brgy. Fund
Barangay Health Center Brgy. Fund P27,000.00
Barangay Market Brgy. Fund
Stage Municipal Fund
Basketball Court Municipal Fund
Slide S.K. Fund P12,000.00
School Building Municipal Fund

PANANAW NA GUSTONG MAKAMIT

Barangay High School
Barangay Road Improvement
Spring Development
Multi-purpose Building
Barangay Electrification



• Barangay Cawayan History


Noong taong 1901, ang pook na ito ay wala pang pangalan. Ayon sa kasaysayan ang mga naunang taong nanirahan dito ay pamilya ng LORENZO GALINDEZ, RUPERTO TOLEDO, at GARCIANO TOLEDO at gayon din ang pamilya ng magkakapatid na ANACLETO, PEDRO at BENITO MANALO. Sila ang nagsimulang magbungkal at umukupa ng lupang ito.

        Matuling lumipas ang mga taon, na hindi na naitala ang iba pang pangyayari sa baryong ito. Sumapit ang tag-ulan, tag-lagas, at tag-sibol. Ang katahimikan ng pook na ito ay minsan pang napukaw ng biglang pagdating ng mga TULISAN. Ayon sa sabi-sabi ay mayroon silang ibinaong gusi ng ginto sa tapat ng bukana ng bay-baying dagat. Pagkalipas ng pangyayaring iyon, namayaning muli ang katahimikan dito. Hindi na rin nabalitaan ang mga nangyari sa mga TULISAN pati na rin ang ibinaong gusi nang ginto ay kasama nang naibaon sa limot. Subalit sa kabila ng maraming mga masalimuot na mga karanasan ay mayroong naiwan sa ala-ala ng mga taong naninirahan dito na hindi nila makakalimutan. Sa lugar nadiumanoy pinagbaunan ng gusi ng ginto ay may sumibol na isang punong kahoy na tinatawag nilang AGOHO na lalong kilala sa pangalang (PINE TREE). Napakatahimik ng pook na ito na ang pangingisda ang ikina-bubuhay nang mga naunang nanirahan. Na minsan sa katahimikan sa hindi inaasahang isang barko ang lulan nito ay mga dayuhang Kastila.

        Ayon sa kasaysayang ang ito ay dahan-dahan sa pag-usad sa baybaying dagat napinagmamasdan ang mga puno ng AGOHO na ang mga sanga at dahon nito ay kumakaway-kaway sa ihip ng hanging Amihan. Na patuloy namang kumakaway-kaway ang mga taong lulan ng barko hanggang sa hindi na nila matanaw at sa kaispan ng mga tao ay kumintal ang salitang CAWAYAN galing sa salitang kumakaway-kaway ang mga dahon ng agoho at dito nagsimula ng tawaging CAWAYAN ang Barangay na ito.

        Sa pagpupulong ng mga matatanda sa pook na ito, namili sila kung sino ang magiging Tinyente del Baryo at si G.CIPRIANO DE LEON na tubo sa pook na ito ay siyang nahirang na maging unang mamuno. Pinamunuan niya ang Cawayan at mga sityo nito tulad ng Labonan, Camatique at Ogbot na ngayon ay nagsasariling mga Barangay. Taong 1938, ay humalili sa panunungkulan naman si G. STEBAN GALINDEZ na sinundan ni ESTEBAN YUSON ng pasukin ng mga sundalong Hapon ang barkong ito. Pagkatapos ng liberasyon at magkaroon ng isang lihitimong Lemery, Batangas ang siya namang napiling Tinyente del Baryo sa katauhan ni G. HIPOLITO CATAPANG. Sa pamamahala ni G. CATAPANG na nagsimula ang mga tao na matuto sa pag galang at rerpeto sda mga namumuno sa baryo. Taong 1950-1953, naging Tinyente del Baryo si G.TEOFILO LANZANO at naglingkod siya ng may tatlong singkad. Nagpatuloy mula na noon ang mga panunungkulan at noong taong 1953 ay napiling maging Tinyente del Baryo si G. AGAPITO YLING na tubong Lemery, Batangas din. At sa kanyang panunungkulan ay naipagawa ni Tinyente YLING ang Artesian Well o poso artisyano na naging maalwan para sa mga taong barangay ang pagkuha ng malinis na tubig inumin. Nagkaroon sa panunungkulang ito ng kalsada na siyang naging dahilan ng pagdami ng mga mamamayang dito permanente na namuhay. Sa panahong ito, ang Cawayan ang siyang daungan ng mga Batel na siyang nagbibiyahe galing sa Lemery, Batangas na dala ang mga kalakal tulad ng mga de lata, asukal, damit at iba pa. Ang mga bangkang de motor naman ang siyang kargahan ng kopras at mga pasahero papuntang kabayanan. Ang ekonomiya ng barangay na ito ay umunlad sa ilalim ng panunungkulan ni Tenyente del Baryo YLING hanggang taong 1959. Pagkaraan nito ay nanalong Tenyente del Baryo ay si BRIGIDO FRANCISCO na ipinagpatuloy ang paglilingkod sa kaunlaran nito.

        Kasabay ng pag unlad ay ang pagbubukas ng paaralan na ganamit na gusali o silid paaralan ay ang silong ng bahay ng mag asawang AMANCIO ALCOBA na ang mag asawang ito narin ang unang naging guro dito. Nagbunga ang edukasyon dito sa pagtatapos ng mga naunang mag-aaral na sina IRMA CRUZADO, isang matagumpay na guro, BOY MANALO na nagtagumpay sa pangingibang bansa at si JACINTO ALBETO na isang kagawad sa barangay na ito. Sa pag unlad nito kasabay ang pagbabago ng pamunuan at noong 1972 nanalong Barangay Kapitan si G.BONIFACIO MANALO hanggang sa matapos ang Martial Law. Na noong taong 1989 ay naging Barangay Kapitan si G. ROMEO I. FRADEJAS na sinundan ni Barangay Kapitan ROBERTO YLING. Na sa panunungkulan ni Punong Barangay YLING ay hinangad niyang lalong pagbutihin ang pag-ibayuhin ang pag unlad at pagsulong ng Barangay na ito na ang lahat ng mga proyekto sa ibat-ibang sangay ng pamumuhay ay makikita at madarama ngayon at patuloy ang mga on going projects sa pag unlad nito.

Sa kasalukuyan ang Barangay na ito ay isang Self Reliance Community at ang katuparan ng mga pangarap ay nakasalalay sa kasalukuyang administrasyon.



• Barangay Dayhagan History


Isa sa maunlad, matahimik at mayaman sa likas na yamang-tao at likas na yaman sa bayan ng Bongabong, Silangang Mindoro ay ang BARANGAY DAYHAGAN. Sa gawing Silangan ay ang dagat ng TABLAS, sa Hilaga ay ang ilog ng CAMANTIGUE, sa Timog ay ilog ng DAYHAGAN na nag sisilbing hangganan ng bayan ng ROXAS at BONGABONG, at sa Kanluran ay ang Barangay ng CANTIL, ROXAS at OGBOT. Ito ay may lawak na anim (6) na kilometrong parisukat na may matabang lupain na angkop sa pag-aalaga ng sugpo, hipon, alimango at bangus.

        Ayon sa kasaysaya, ang Barangay na ito naunang naitatag sa may bukana ng ilog DAYHAGAN na ngayon ay tinatawag na “BUKANA”. Ang maliit na pamayanan ay nag simula sa iilang pamilya na kinabibilangan ng mga pamilyang SOLABO, CASTILLO at ACOSTA. Noong una, ayon sa mga taga-TABLAS, mabagal dumami ang mga naninirahan dito sapagkat takot silang magkasakit ng Malaria at Beri-beri na laganap noon. Subalit ito ay napabulaanan ng mga naunang nanahan sa pook na ito, sapagkat kaya palang mapaglabanan ang naturang sakit sa pamamagitan ng kalinisan sa paligid at pagpuksa ng mga lamok.

        Sa pag lipas ng mga panahon, ang lawak ng bukana o tabing dagat ay hindi naging sapat para sa kanyang dumaraming mamamayan. Sa kagandahang loob ni Ginoong CASTRO F. SOLABO siya ay nag kaloob ng isa at kalahating ektarya para sa lote ng barangay at pang kalahating ektarya para sa paaralan.

       Ang Barangay DAYHAGAN ay nanggaling sa salitang BISAYA na “dayag” na ang ibig sabihin ay bukas-loob sa kapitbahay o sa pamayanan. Sa katagalan ang munting pamayanang ito ay tinawag na DAYHAGAN na ngayon ay maging “DAYHAGAN” ang bigkas. Sa kasalukuyan ang “DAYHAGAN” ay nakikita sa mapa ng Pilipinas na Dayagan Point.






Sa simulay isa itong magubat na lugar na pinagsikapang mahawan ng mga unang nanahan sa tulong ng mga Mangyan. Dahil sa kanilang sipag at tiyaga, naging maayos at malinis ang pamayanan. Dito nagsimulang dumami ang mga tao hanggang bukas ang paaralang Elementarya noong taong 1929 sa loteng kaloob ni G. CASTRO F. SOLABO at DOMINGO CUSTODIO. Naging mabilis ang pag-unlad sapagkat nabuksandin ang mataas na paaralan noong 1971 sa pamumuno ni G. ALFREDO DALIDA at G. PEPE FETALVER.

        Ngayoy makikita ang isang bagong barangay na maunlad at sumusulong. Katunayan ay may kumpletong paaralang Elementarya at Sekondarya na pawang konkreto ang kayarian ng mga gusali, gayon ang mga bakod at daan. May “WATER SYSTEM” na nakararating sa bawat baha, may Elektrisidad na nagpapalinaw sa bawat tahanan kung gabi at mga makabagong komunikasyon.

       Ang mga kalsada ay unti-unti na ring isinasaayos upang ang mga produktong palay at mga produktong nanggagaling sa malawak na palaisdaan ay madaling madala sa kabayanan. Mayroong “Health Center“, Barangay Hall at Paaralan. Sa malawak na bakuran ng paaralan ay makikita ang pinakamalaki at magandang “stage”. Karamihan sa mga bahay ay yari sa semento. Ito ay mga patunay na ang DAYHAGAN ay patuloy na umuunlad.

Ang mga sumusunod ay mga taong may malaking bahaging ginagampanan upang ang DAYHAGAN ay hindi mahuli kumpara sa ibang Barangay.

TAON RANGO PANGALAN NG OPISYAL NG BARANGAY
1962-1928 Barrio Lt. CANDIDO ACOSTA/ LUIS DELA TORRE
1928-1930 Barrio Lt. DOMINGO CUSTUDIO
BERNARDINO MAPILI
1932-1934 Barrio Lt. DOMINGO CUSTUDIO
1934-1936 Barrio Lt. JOSE CASTILLO
LORENZO MANAOG
1940-1942 Barrio Lt. PABLO CUSTODIO
LUCIANO ACOSTA
1942-1944 Barrio GAUDENCIO ACOSTA
PEDRO CUSTODIO
1944-1948 Barrio Lt. JOSE FERRUELO
GOZALO ACOSTA
1948-1950 Barrio Lt. VICENTE GALA
MAXIMO MANAOG
1950-1952 Barrio Lt. MAXIMO MANAOG
GREGORIO GAAC
1952-1954 Barrio Lt. GREGORIO GAAC
JESUS FANER
1954-1956 Barrio Lt. LUCIANO ACOSTA
PEDRO CUSTODIO
1965-1958 Barrio Lt. JESUS FANER
PEDRO CUSTODIO
1958-1963 Barangay Capt. JOSE FERUELO
1963-1968 Barangay Capt. PEDRO CUSTUDIO
1968-1973 Barangay Capt. PABLITO TANGAL
1973-1982 Barangay Capt. RODRIGO FABREGAS
1982-1988 Barangay Capt. JOSE FERUELO
1988-1993 Barangay Capt. AQUINO MAGARARU
1993-1997 Barangay Capt RODDRIGO FABREGAS
1997-present Barangay Capt PEPITO IBABAW

• Barangay Hagan History


Ang salitang HAGAN na siyang kinagisnang pangalang ng Barangay, ay salitang Mangyan na kung isasalin sa salitang Pilipino, ang kahulugan ay “libingan”.

       Noon ang Barangay HAGAN ay masasabing napakalayo sa kabayanan. Kinakailangang maglakad ng apat (4) na kilometromula sa Barangay Mapang na noon ay pinagdaraanan ng ilang sasakyang may rutang Bongabong-Roxas.

       Noong taong 1958, nagsimulang matuklasan ang mga tumutubong halaman, may mga ilog na pinag kukunan ng tubig para sa mga halaman, bukal ng tubig para sa malinis at ligtasn na inumin.

       Noon ay iilan lamang ang naninirahan dito. Ang mga pamilya FRANCISCO, FAMORCAN, VALINTIN, SELOZA, DOMINGO, ARTE, at pamilya GABO. Ang tanging ikinabubuhay noon ng mga tao ay ang pagtatanim ng sagang, mais, gabi at sariwang gulayin.

      Taong 1950 ng magkaroon ng unang paaralan na itnayo sa lupa ni Gng. Valintin Seloza na yari sa kahoy, kugon at sawali. Ang unang naging guro dito ay si Bb. NENITA MAGUIFLOR at ang Tinyente del Baryo ay si G. ZOSIMO GABO.

      Nang taon ding ito dumating ang tinatawag na “Survey Party”. Di nagtagal dumating ang mga makinarya at sinimulang itayo ang mababang tulay ng Lisap. Makalipas ang liang taon ng mayari ang kalsada, bagamat iilan pa ang mga sasakyang bumibiyahe, nagkaroon ng kaunting kaalwanan ang maga taong naninirahan dito. Simula noon naging mabilis na ang pag unlad ng kabuhayan ng maga tao. Nag karoon ng maluluwang na sakahan, maraming mga taong dumating mula sa ibat-ibang lugar, nadagdagan ang bahay paaralan at mga guro sa matiyaga ding pagsubaybay ng mga mahuhusay na Punong Barangay.

      Sa kasalukuyan, makikita ang pagbabago ng kabuhayan ng mga tao, maging ang dating mga Barangay. Maging sa ibang Sitio ng Barangay ay mayroon na ring Bahay paaralan para sa mga Kabataang nangangailangan ng edukasyon.






• Barangay Hagupit History


Noong unang panahon ang lugar na ito ay napapaligiran ng mga malalaking punong kahoy na kung pagmamasdan ay puro kagubatan at halos balot ng kadiliman. Tanging huni lamang ng mga ibon ang nagpapasaya sa pusong nalulumbay ng mga naninirahan dito.

        Mabilis ang paglipas ng panahon, subalit walapa ring maitawag sa lugar na ito. Hanggang sumapit ang taong 1902. Mayroon naglakbay na tatlong katutubo na nagngangalang HOB, JACK, at JECK. Sa kanilang paglalakad, natalisod nila ang lugar na napakadilim at napakagubat. Dahil sa kanilang pagod at gutom ay namahinga muna sila hanggang sa makatulugan na nilang tatlo. Paggising sa umaga ay nasilayan nila ang pagbubukang liwayway “Kaygandang Pagmasdan ang Sikat ng Araw”ang nausal ng tatlo subalit lalong higit kung may laman ang ating tiyan. Hindi nila sinayang ang panahong iyon, nagsimula silang magbanat ng buto. At sinimulan nilang linisin ang paligid at nagtanim sila ng prutas at gulay.

        Hanggang sa dumating ang araw ng paglilibang, nagkukuwtuhan sila sa likod ng bahay ng matawag ang kanilang pansin sa halamang sumibol sa kanilang bakuran, sa halip na gulay ito ay parang palay na kung tawagin ay “KUGON”. Sa bilis ng hangin ito ay sumasayaw-sayaw at umalon-alon at nawika ng mga katutubo na ito ay parang HINAHAGUPIT sa bawat ihip ng hangin. Kaya mula noon hanggang sa ngayon ang lugar na ito ay tinawag na ”HAGUPIT”.

Taong 1950, ang lugar na ito ay nasasakup ng Barangay PANLANAO na ngayon ay Barangay SAGANG. Pagkalipas ng sampung taon sa pamumuno ng Tinyente Del Baryo na si ARSENYO SAYAS ang Baraangay Hagupit ay nagsarili. Noong panahong iyon ay wala pang kalsada at paaralan sa nayong ito. Taong 1947, nang magsimulang umunlad ang lugar na ito sa pamamagitan ng taong may mabuting kalooban na si G. SEBASTIAN UMALI. Nagkaroon siya nang isang ektaryang lupa para matayuan ng paaralang pang nayon. Lumipas pa ang maraming taon, at noon sa pamumuno ni Tinyente Del Baryo FRANCISCO AGUILAR, ay hindi na mapigilan ang asenso ng lugar na ito, kung kaya siya ay naghandog ng isang ektaryang lupa na matatagpuan sa upper HAGUPIT, na tinayuan din ng isang paaralan (isang free fab building) noong panahon ni Pangulong MARCOS. Sa kasalukuyan, iisa lamang ang ginagamit na paaralan dito, ito ay ang SEBASTIAN UMALI ELEMENTARY SCHOOL na matagpuan sa lower HAGUPIT.

        Ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa nayong ito ay ang pagsasaka at pagkokopra. Niyog, palay, saging at ibat-ibang uri ng prutas ang mga produktong matatagpuan dito. Sa, ngayon, ang Barangay na ito ay mayroong humigit kumulang na limang daang ektarya, at ang dami ng populassyon ay mahigit na walong daang tao, mayroon sa kasalukuyang bahay na isang daan at labing lima.


MGA NAMUMUNO SA BARANGAY HAGUPIT

Lucas Meran
Arsenio Sayas
Francisco Sadiwa
Norberta Garcia
Francisco Aguilar
Pabling Reyes
Lope Aldovino
Mauricio Sulit -1974-1980
Marta Delin -1980-1986
Benito de Torres -1988-1994
Flaviano Maurio -1994-1997

PAMUNUAN SA NAYON

Punong Barangay FLAVIANO MAURO
Punong Kagawad JESUS ANTHONY
Punong Kagawad TOMAS DELIN
Punong Kagawad AMADO GAID
Punong Kagawad MACARIO DOCE
Punong Kagawad VALENTINE VILLANUEVA
Punong Kagawad ANTONIO DELEN
Punong Kagawad ALFREDO DE TORRES



• Barangay Kaligtasan History


Ang nayon ng KALIGTASAN ay dating Sitio ng Labonan, itoy kilala sa tawag na Banyagan, halaw sa salitang “Bayang”, Putik, na ginawang palayok, na marami sa lugar.

        Mga Mangyan ang unang nanirahan dito sa pamumuno ni AMA PUDIT, ang unang Kristiyanong naninirahan dito ang Pamilyang Narciso, Dalisay, Magda,Vicente at Fernandez.

        Mayaman noon ang nayon, maraming ani, sagana sa hipon at isda ang mga ilog, gayon din ang mga sapa.

        Ang sumusunod ang dahilan ang naging sanhi kaya ito ay tinawag na Kaligtasan. Palibhasa malayo sa kabihasnan o kabayanan, ang lugar ay naging taguan ng mga ninanakaw na mga hayop na pinaalagaan sa mga taga-Nayon. Sila ay napagbintangang magnanakaw dahil sa pag aalaga ng hayop na dinadala dito na ng mahuli o makita sa kanila ay naging dahilan upang ikapit ni nila sa Bayan ng Bongabong. Mabuti na lamang at eleksiyon noon, dahil sa mga pangako ng ilan kaya naligtas ang nayon sa “SUNOG, TUBIG at PAGKABILANGGO”.

        Naitatag ang Barangay High School noong 1972 kasamang nagmamalasakit si G. ROLANDO VILLONES, ang unang guro na nagturo sa pagbubukas nito. Ang nagkaloob ng nasabing lupa ng paaralan ay ang magasawang IGMEDIO MAGRAMO na ngayon ay umiiral at tinawag na Kaligtasan Barangay High School, at ang kasalukuyang Punong Guro ay si Bb. GORGONIA GARCIA.






        Sa ngayon ang Barangay Kaligtasan ay isa sa mga Barangay ng Bongabong na nagsisikap na makatayo ng matatag sa kabila ng maraming pakikibaka, at sa pagtulong ng kasalukuyang Punong Bayan (ALEX I. ENRIQUEZ) maraming mga proyekto na mula sa pondo ng Barangay IRA ang naipagawa dito at ang mga ito ay malaking tulong sa mamamayan ng nasabing Barangay.

        Samantala ngayong taong 1997 ang ruta ng Kaligtasan to Cantil ay nakatalagang sementuhin kung saan ay halos 50% ng daan patungong Cantil ay sementado na.

Ang mga sumusunod na tala ang siyang naging kapitan ng Barangay na nangungkulan.

FELECIANO NARCISO
TOMAS ISIDRO
EUSIBIO ANTONIO
FELIXBERTO CONSTANTINO
TOMAS RICO, SR
FALCONERO FABILA
SATURNINO GARCIA
HONORIO ASI
PEDRO GARCIA
ARMANDO A. GALOS – kasalukuyang Punog Bayan

MGA KAGAWAD AT KASALUKUYANG NAGLILINGKOD SA BARANGAY

SHIERLEY T. GARA
LARRRY IBANEZ
GLORIA AMAR
ESTEBAN ANAR
JUANICULO RICO
JUANITO CARANDANG
JOEL GALICIA – S.K. Chairman
ROMEO FAJUTNAO – Secretary
ALVIN R. OPIASA- Treasurer

• Barangay Labasan History


An indepth research was conducted through interviews with the elders and key informants who first settled in barangay Labasan, municipality of Bongabong province of Oriental Mindoro. Based on reliable information, the first family who migrated to this place was Mr. Feliciano Abante together with his relatives who all came from the province of Batangas. It was Mr. Abante who donated the area over the first site of Labasan Elementary School was erected. They were soon followed by the family of Mr. Victorino Watiwat who came the from the Island of Marinduque. After them came the family of Mr. Isidro Reyes who originated from Tingloy, Batangas.

        Before, this community was densely forested. There were no road except narrow trails that lead to direction. Because of the absence of roads the people then used to hike or used work-animals as their means of transportation.

        Wildlife abounds the place like, deer, wild pig, Tamarraw, wild birds and other creeping creatures. As the year progressed, the population increased. But the increase was very slow because of the wide-spread of “Malaria” that had cause the death of many people in the community.

        People in Labasan believe in folklore. They believe that the sickness like; Malaria, cholera, measles were doing of his fellowmen so they sought the services of an “Albularyo”for the cure instead of a physician.






Barangay Labasan has a good coastal areas which was ideal for berthing vessels. This place was a heaven for pirates and “Tulisan” alike who used to rob people of their belonging from remote areas. They frequent to this place for rest. In addition to this, the place was accordingly inhabited by underworld creatures such as:”enkantada “ “patianak”, “babaeng putol ang suso” and other frightening figures that scared the people of the community. Because of these, very few people were encourage to take residence in the place. This is the reason why this place became the favorite of the pirates. Since then many pirates used to “come and go” to this place the very reason why this place was named “LABASAN”. The other meaning of Labasan was attributed to the fact that this place was also famous “manlalabas” and the frequency of occurrence of supernatural phenomena.

        Migration increased through the years, some originated from the provinces of Romblon, Batangas and Ilocos.

        These people started to make slash-and-burn agriculture (Kaingin). They planted the cleared areas to economic cash crops for livelihood.

        The sea of Labasan was rich in marines resources during that time. There was no other alternatives sources of income then aside from selling fish or agricultural crops. Population continued to increased until the place has become one political unit (barangay). The people then organized themselves and Mr. Feliciano Abante was elected as the first “Tinyente del Barrio” of Barangay Labasan in the year 1920. In his incumbency and through the concerted efforts of Coun. Melicio Ilagan Hernandez, Mr. Victoriano Watiwat. Mr. Pedrom Mendoza and other good-hearted people in the community a temporary school building was erected. The very first teacher that was assigned to this school was Mr. Sixto Ilagan, who unfortunately was killed during the Second World War.

After the second world war, Mr. Feliciano Abante occupied the vacated teaching position which was later replaced by Mr. Pedro Mendoza until a series of succession occupied the said teaching positions through the years.

        The provincial road was constructed which was far the school. So, the school building was transferred near the road and staying put in that place until this time. The number of increased children with the number of pupils which necessitated to have additional number of teachers. The first District Supervisor who was assigned to Labasan Elementary School was Mr. Doroteo Jacob of Pinamalayan. This District at that time covers the municipalities of Bansud and Bongabong North and South area. The first principal of the school was Mrs. Beinvinida Fonte. The teaching force under the incumbency were Mrs. Lautera Watiwat, Mr. Gerecio Jamines, Mrs. Apolonia Francisco, Mr. Conrado Escuterio, Mrs. Leono Castillo and Miss. Gloria Watiwat. When Mrs. Fonte moved to Manila, Division Superintendent ANTONIO JAVIER appointed Mr. Godofredo Gozar Hernandez, Teacher- In Charge and then succeeded by Mrs. Epifania Villaluz.

        The first graduates of this Elementary School were Romulo Watiwat, Gerardo Abante. Alselmo Hernandez and the late Victoria Alo.

        The first teacher who retired from this school was Mrs. Laureta Watiwat followed by Mrs. Epifania Villaluz who was the head of the school at the time of her retirement. She was replaced by Mrs. Conchita F. Camacho who was also the District Coordinator at that time.

        In 1976, the number of teaching force had increased to ten (10) so the school was given a principal in the person of Mr. Eleno Bandayrel. When he retired in1986, Mrs. Teofila L. Enriquez took his place.





In just a short period, a great change and progress have been observed in the school and in the community. Permanent residential houses started to emerge and wide cultivation agricultural land were development.

        The school facilities were improved and more classrooms were added. The playground was also improved and a concrete fence was also constructed embracing the school ground. A concrete stage, toilet with manual water pump and a walk passing through the entrance door of every classroom was also constructed. Electrical wiring were also installed and was improved with corresponding flourecent lamp. These facilities and other physical improvement have earned a good reputation for the school which transpired under the good and able relationship of Dr. Cesar Arellano who was then the school principal.

        Today the Barangay Labasan is regarded as the most progressive barangay in the entire town of Bongabong due to demographic and economic reasons. At the center of the community lies the barangay hall, barangay stage, barangay clinic and churches of different religious sects which shows that the people of Labasan are God-fearing. There is a good and safe sewerage system and irrigation for agricultural purposes and a latrine in every home. This proves that changes took place in the locality as the years passed by. Health and sanitation are also observed by the people of the barangay.

        Many members of Labasan community become professional which only shows that the problems of illiteracy had been fought for and overcome by parents who had a high aspiration for their children.

ESTABLISHMENT OF SCHOOL

a.) 1930 - a temporary single-roomed school was built through the concerted efforts of good-hearted residents of Labasan.
b.) 1945 - the year when the parents and teachers association (PTA) constructed two (2) additional classrooms through the able leadership of Mrs. Fonte who was the teacher-in-charge during that time.
c.) 1955 - another two building were erected and named “Gusaling Magsaysay”.
d.) 1965 - the year when the Secondary School of Fisheries in Bongabong proper was transferred to barangay Labasan under the leadership of Mr. Beato Cefre who was the school principal at that time
e.) 1966 - a building for Home Economic at Labasan Elementary School was constructed and another one was erected to replace the old one which was constructed through the PTA. This took place when Mr. Villaluz was the principal.
f.) 1969 - “Marcos Type Building” were erected through the assistance of Mr. Claudio Tolentino, the barangay Chairman of Labasan. It was during this time when the two building that were constructed through the PTA were destroyed by the typhoon “Atang”. The government provided another building constructed consisting of three classroom which was named “Bagong Lipunan”. The building that were not heavily damaged by typhoon “Atang” were repaired and restored to serviceable condition through the united efforts of the people of Labasan community.
g.) 1975 - building constructed inside the school compound of Bongabong School of Fisheries to accommodate students who will enroll for the degree course which was initiated during the principalship of Mr. Cefre.
h.) 1970 - 1980 - during the administration of Mr. Bandayrel, one unit of Emelda Marcos type building was provided by the government. The building was used by the primary grade pupil.
i.) 1986 - 1987 - A concrete school stage and a concrete path ewre constructed including concrete benches which were constructed around the mango trees inside the school compound. This place during the administration of Mrs. Teofila I. Enriquez.
j.) 1987 - 1988 - school had grater changes / improvements as compared with the previous years. This happened during the able leadership of Mr. Cesar F. Arellano.

        A four-room building was constructed this time. The perimeter concrete fence were also constructed through solicitation/donation and fund raising school activities. Desks and chairs were also required which are still now.

Teachers that served as Heads/ Principals of Labasan Elementary School now, Moises Abante Memorial Elementary School

Sixto Ilagan – Teacher-In-Charge
(interruptions due to the 2nd World War)
Mrs. Bienvinida Fonte- Head Teacher
Mrs. Epifania Villaluz- Head Teacher
Mrs. Conchita F. Camacho- Head Teacher
Mrs. Eleno Bandayrel-Principal I
Mrs. Teofila L. Enriquez-Principal I
Cesar F. Arellano, Ed. D. – Principal I
1996-present - Mr. Romeo G. Bayanay – Principal I

SITUATIONAL ANALYSIS

PHYSICAL CHARACTERISTICS
a. Location - The barrio of Labasan is situated more or less 5 kilometers going North from the town of Bongabong. It is bounded by Barangay Sta. Cruz in the South, Barangay Libertad at the West, Barangay Sumagui at North and by the sea on the East.
b. Land Area - It has an area of more or less 350 hectares


• Barangay Labonan History


Ang BARANGAY LABONAN ay matatagpuan sa Hilagang bahagi ng bayan ng Bongabong lalawigan ng Silangang Mindoro, na may sukat na 327 hektarya at may 188 sambahayan at may1,200 na populasyon.

        Ito ay may apat (4) na sityo: TUBIGAN, CENTRO, NIYOGAN I, NIYOGAN II. Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan dito at saging, palay, niyog ang pangunahing produkto.

        Itoy napapaligiran ng mga karatig na barangay: CAWAYAN (Silangan) OGBOT (Hilaga) POLUSAHI (Kanluran). Naitatag noong 1935 sa pamumuno ng mga sumusunod: G. FELIX MALIGO, G. ALVENO MALIGO, G. DOMINGO MALIGO, G. FELIX G. SAULONG, Sr. , G. CELSO MOLINA, G. ANTONIO ROVERO, G. GENIE IGNACIO, G. HERMIE B. SARZONA ayon sa pagkakasunod.

        Itoy mayroong (2) dalawamg Day Care Center, (1) isang Health Center, dalawang Basketball Court, Brgy. Hall at isang gusaling ibinigay sa Kooperatiba.





Itoy maroong humigit kumulang sa (420) apat na raan at dalawangpung mag-aaral sa mababang paaralan at mayroong labing tatlong (13) magagaling na mga guro sa pangunguna ni G. FELIX SAULONG, SR. bilang Principal.

        Nakilala rin ang LABONAN sa husay ng mga mag-aaral sa larangan ng sining, sports at gayundin sa tagisan ng talino sa pambahay man o panlalawigan.

        Marami rin dito ang nakatapos at naging matagumpay sa kanilang buhay.

        Sa larangan ng pagsasaka itoy mapalad na nagkaroon ng masaganang ani sa tulong ng irigasyon at kooperatiba na tumulong o sumusuporta sa mga magsasaka sa pinansyal at teknolohiya sa makabagong pamamaraan sa pagsasaka.

        Ito’y pinapatnubayan ng Patrong si Nuestra Senora de Candelaria, na kung saan ay pinagpipista sa tuwing sasapit ang ika-1-2 ng Febrero ng taon.

        Itoy mayroong tatlong Sekta Romano Katoliko, Iglesia ni Cristo, Church of Chirst.

        Sa tulong ng Pamahalaang Bayan at sa mga namumuno ng nagdaang mga taon at sa kasalukuyang pamunuan ni Mayor ALEX I. ENRIQUEZ ay lalong naging maunlad ang LABONAN sa mabuting pakikipagtulungan ng pamunuan ng Barangay at mga mamamayan nito.

        Ang dating magubat ay isang maunlad ng barangay ngayon “Ang Labonan”.


• Barangay Libertad History


Isang dating sitio ng Barangay Labasan hanggang taong 1968. Unang nakilala bilang sitio Leuterio na hinango sa Apelyido ni Ginoong Emelito Leuterio na siyang unang naninirahan dito.

        Taong 1950 ng makarating ang mga taong mula sa “Malaria Control Unit” upang alamin ang kalagayang pangkalusugan ng mga naninirahan dito. Una nilang inalam kung positibo ang sakit na malaria sa lugar. Sinalubong ng pagtatangkilik ang mga sugo ng pamahalaan.

        Ang pamilya Leuterio din ang siyang nagsikap na magkaroon ng paaralan na yari sa nilalang dahon ng niyog (sulirap) at kahoy na mula sa katawan ng niyog, sa ilalim ng paglilingkod nina Ginoong Luis Gacon at Florentino Macaraeg, Francisco Sarmeinto na gumaganap sa paglalakad upang ang sitiong ito ay maging Barangay.

        Nagkaroon ng halalang pangbarangay at isa sa nanalong kagawad ay si Ginoong Florentino Macaraeg. Noon ipinagpatuloy ang kamalayan ng mga naninirahan dito upang mapahiwalay bilang barangay.










Sinimulan nila sa isang petisyon sa pamunuan ng Barangay Labasan tungo sa pagsasarili ng sitio.

        Agosto 23, 1968 nagkaroon ng special election para sa sitio Leuterio upang maging ganap na Barangay. Ang mga kandidato sa nasabing elesiyon para sa Punong Barangay ay sina Ginoong Romulo Casao at Florentino Macaraeg at ang nagwagi ay si Ginoong Romulo Casao.

        Sa panunungkulan ng Punong Barangay Romulo Casao ay naisakatuparan ang pagpapalit ng pangalan ng sitio Leuterio na maging Libertad. Nabuksan din ang kalsada sa pamamagitan ng buldozer at ang lupang pinagtatayuan ng paaralan sa nayon.

        Taong 1982 naging Punong Barangay si Ginoong Romulo Bicol at sa kanyang panunungkulan ay nagkaroon ng kuryente ang Barangay Libertad. At pagkatapos ng panunungkulan ni Romulo Bicol ay sumunod na Punong Barangay ay si Rosalio Capio at sa kaniyang panunungkulan ay naitatag ang Multi-Purpose Center, Basketball Court at Stage. Taong 1993 nahalal na muli si Ginoong Romulom Casao bilang Punong Barangay at sa kanyang muling panunungkulan ay naitayo ang Baraangay Hall. Taong 1997 nahalal si Ginoong Recis M. Rufon bilang Punong Barangay at sa kasalukuyan ay siya ang gumagawa ng ika-uunlad ng kanilang Barangay at sa tulong ng mga mamamayan na naninirahan sa Barangay Libertad.


• Barangay Lisap History


“LISAP” – Iasang salitang nagmula sa pangalan ng isang dalagang katutubo. Salitang halos kasing tunog lamang ng salitang-ugat na pinagmulan. Bagay na nanganggailangan ng pagsasaliksik upang mabatid ang tunay na kaugnayan ng salitang ito sa pusod ng ating kasaysayan.

        Isang kasaysayan ng pag ibig ang uminog sa matagal ng panahong lumipas at dahil sa lawak na sinaklaw nito sa buhay ng mga katutubong BUHID na naninirahan sa malapit na paanan ng bundok Baco, ang pagusad ng panahong lumipas patungo sa kasalukuyan ay siyang naghatid sa atin ngayon upang ang salitang “LISAP” ay atin ng laging sambitin lalo na sa mga taong nakatira o dumadayo sa lugar na ito. Sa kasaysayan ng pagibig na ipinahihiwatig nito ay patungkol sa kapalaran ng isang dalagang katutubo na nagngangalang “LISAY”.

        Si Lisay ay isang dalagang buhat sa tribu ng mga Mangyan Buhid na nakatira sa gawaing ibaba na paanaN ng bundok Baco. Siya ay may maamong mukha, maninipis na mga labi na singkulay ng makupa, mapupungay at mabibilog na mga mata na angkop sa taglay niyang mahabang buhok na sing itim ng pusikit na karimlan. Siya ay isang kagandahang hindi maikukubli `sa sinumang maghahangad ng likas na kariktan.

        Maraming matitipunong mga kabinataan ang nagnasa at nagtangkang kamtin ang kagandahan at pag ibig ni Lisay. Isa sa nagkapalad ay isang binatang Buhid na nakatira sa bandang hulo buhat sa tahanan nina Lisay. Dahil wagas at tunay ang pag ibig ay hindi ininda ng mangingibig na si BATO BULANG ang mga pagsubok na kanyang naranasan. Nakamit niya ang mithiing kanyang puhunan ng sariling buhay hanggang sa ihantong sila sa isang matamis na pagmamahalan. Walang kapantay ang kanilang pagmamahalan at sinaksihan ito ng di masukat na panginorin at sa anumang paraan ay tila hindi na kaya silang papaghiwalayin pa.













        Subalit sa kabila ng lahat ay may binatang lihim na umiibig kay Lisay. Ang pag ibig na ito ay waring nagbunsod sa isang hangaring iwasak ang pagmamahaalan ni Lisay at Batong Bulang. Ang binatang ito ay may matitipunong pangangatawan na nagtataaaglay ng di pangkaraniwang lakas na kung pagmasdan, siya ay isang batikang mandirigma. Sa isang lihim ang binalangkas ng matang ito upang tiyak na makamit niya ang pag ibig ni Lisay. Pambihirang kapangyarihan ang naging saksi at ginamit ng binatang tunay na umiibig. Pinuhunan ang sapat na panahon upang maisakatuparan ang kanyang lihim. Sa paglipas ng panahon, ang ginagawa ng binatang ito ay unti-unting nagkaroon ng puwang sa buhay ni Lisay. At nagkapitak ang pag ibig ng binata sa puso ni Lisay na tila may pambihirang kapangyarihan tulad ng isang balani. Dahil sa kalayuan ni Lisay ka Bato Bulang, natupad ang pagnanasa ng bagong mangingibig ni Lisay at kung malasin ay tila hindi na kayang tutulan pa ito ng babaing katutubo. Isang bagay na hindi dapat nila gawain dahil sa kaparusahang may sumpa na lakip sa matandang kautusan ng pamunuang tribu. Ngunit ito ay hindi naging sapat upang hadlangan ang lihim na pag-iibigan nila. Lumantad silang walang agam-agam kung saan sila ihantong ng kanilang kapalaran at sila ay nagpatuloy hanggang sa naglakip ang isipan nila at damdamin. Dito natagpuan na lamang ni Lisay na siya at si BALAHID ay nakagawa na nang isang pagkakamali na tinangkang ilihim at hindi na binigyan ng puwang upang ito ay iwasto. Subalit hindi nagwakas sa puntong ito ang kanilang kaugnayan at sa halip ay patuloy na umusad ang ating kasaysayan.

        Lingid sa kaalaman ng dalawang “bagong magsing irog” ay nabatid na ang kanilang ginawang kataksilan. Hindi na kaya itong ikubli kaninuman lalo na sa mga naninirahan sa luntiang kapaligiran malapit sa paanan ng bundok Baco. Dahil sa nadamang kaapihan, iginayak ang sarili at idinulog ito sa pansin ng pamunuan ng mga katutubo.

        “KATAKSILAN” - “Hindi maaring mangyari ito sa babaing aking minamahal at nagmamahal sa akin”, wika ni Bato Bulang sa kanyang sarili. At hindi niya pinalampas ang ganoong pangyayari. Matindi ang galit na nagpupuyos sa kanyang dibdib at sa mga sandaling iyon, nahalinhan ng poot at pagkasuklam ang datiy busilak na pag-ibig niya kay Lisay.ang babaing minsan niyang sinamba ng gayon na lamang.

        Walang direksiyon ang mga hakbang ni Bato Bulang at natagpuan na lamang niya ang sarili sa harapm ng mga pinuno ng tribu sa pangunguna ni Afu Sukol na noon ay nagkatipon sa layuning lutasin ang kataksilang ginawa ni Lisay at Balahid.


        “KAMATAYAN”, “Iyan ang nababagay na kaparusahan sa babaing yumurak ng aking pagkalalakit karangalan”, pahayag ni Bato Bulang sa harap ng pamunuan ng tribu. Naging batayan ito ng pagsang-ayon ng puno nilang ni Afu Sukol. Kamatayan na unti-unti niyang mararanasan at lakip ito sa kanyang buhay hanggang sa kanilang itinakdang wakas.

        Ngunit isa sa mga namumuno sa tribu ni Anggi (siange) ay nagtakdang tumutol sa kaparusahang nais ni Bato Bulang. Tumindig sa karamihan upang ilahad ang batayan ng kaniyang pagtutol sa parusang kamatayan. Siya ay nanaig dahil sa halos na magkasabay na pagtindig ng iba pang kaanib sa pamunuang tribu tulad nina Ama Singaw, Laki Kay-akyan, Bahay Awi, Ali Anon, Ingin Laki, Ama Aklay-an, Ambo Dahol, Ama Lig-om Anhay, Alid Ngay-an, at Ama Ginayan, mga kinatawan ng tribung Buhid ganon din sa mga Tau-buid at pinagkaisahang tutulan ang parusang kamatayan at sa halip ay habang buhay na hatol.

        Una itong pinasan ng dalawang taksil na sina Lisay at Balahid. Kaparusahang hindi nabalitaan ang naging wakas. Sa malas ay patuloy na nararamdaman at nararanasan ang hagupit ng parusang ito. Ipinahiwatig ito na maramihang pagtabag ng mga bukirin lalo na sa malalapit ng ilog sa kahuluan. Madalas na nagkakaroon nhg malalaking pagbaha na halos taon-taon ay umuutang ng buhay sa mga nagsisipagtawid sa Ilog Bongabong at Sigange, pagkasira ng maraming pananim at pagkawala ng ibat ibang ari-ariang pangtahanan at marami pang iba.

        Sa paglipas ng mga panahon, napatanyag sa maraming dako ang pambihirang hatol na ito ng mga katutubong Buhid. Kalakip sa pag daan ng mga panahon ang maraming mapaminsalang bagyo. Isa sa mga bagyong ito ang nagwasak ng isang sasakyang-dagat na kinalululanan ng mga dayuhang Kastila. Marami ang nasawi sa sakunang ito subalit isang binata ang pinalad na makaligtas sa sakunang iyon. Sa kabutihang palad ang binatang ito ay pinadpad sa dalampasigan malapit sa bukana ng Ilog Bongabong Inaruga siya ng isaang pamilyang Pilipino sa isang tahanagn malapit sa pampang ng dagat. At habang nasa lugar na ito ay dumating sa kaalaman ng binatang Kastila ang balita tunkol sa hatol na yaon ng mga katutubo kay Lisay. Bunsod ng hangarin hindi upang iligtas lamang ang babae sa hatol na yaon ay sinibulan pa siya ng kakaibang hangarin na akitin na lamang niya na “itakas” ang babaing iyon. Hindi nag aksaya ng panahon ang Kastilang ito. Nagpaalam siya sa kanyang tinutuluyan at lumakad hanggang sa ihantong siya sa lugar na turo ng kanyang “mapa” (Mapang). Ang unang tao na nakadaup-palad niya ang pinagtanungan ay isang matandang lalaki na kabilang din sa mga tribung Buhid.








        “Maaari turo sa akin eh- pangalan at bahay ng babaing nahatulan ng habang-buhay” tanong ng binatang Kastila sa kausap.

        “Oo, at kilala ko pati ang babaing iyon”, sagot ng matanda. “ ang pangalan niya ay LISAY” yaong dating kasintahan ni Bato Bulang na nang lumaon ay sumama kay Balahid. Makikita mo siya patuloy kang lumakad pahulo. Bago mo sapitin ang bahay ng isang tao na si Anggi (Siange), naroon ang tahanan ni Lisay. At humayo sa paglakad pahulo na ang nasa isipan at alala ay si Lisay. At sa malapit sa bukana ng Ilog Siange ay nakarinig siya ng sunod-sunod at malalakas na sigaw na galing sa tapat ng kaniyang kinaroroonan sa kanang bahagi ng ilog. Ang dating sa kanyang pandinig ay alingaw-ngaw na ang tinatawag na pangalang “LISAP” - lisa-a-a-ap, lisa-a-a-ap!, patuloy itong umaalingaw-ngaw na sa kanyang pang-unawa, ang tawag na iyon ay patungkol kay LISAY. At dumating ang isang tao na nakapansin sa kanyang ikinikilos. Sino ang hanap nyo at tila hindi ninyo alam ang patutunguhan ninyo?” tanong sa binatang Kastila.

        “Si LISAP ang hanap ko”, sagot naman ng Kastila. At ang salitang ito ay nanatili sa isipan ng tulisang Kastila. Dahil sa walang sinuman sa mga taong napagtanungan niya ang naqkakikilala kay Lisay hanggang sa dumating ang isang bagyo na sinabayan ng malakas na pag-ulan na naging sanhi ng malaking pag-baha. Dahil sa kapaguran, siya ay nalunod at ayon sa kasaysayan, siya ang naging kauna unahang naging biktima ng pagkalunod sa lugar na ito. Nakita na lamang ang bangkay sa dakong ibaba na Lisap- sa lugar na kung saan naroon ang maraming ‘batang’ na ngayon ay tapat ng bukana ng “Batangan”.

        Sa kabila ng lahat ng ito, patuloy sa pag-unlad ang panahon. Nag-simulang dayuhin ang lugar na ito ng ibat-ibang uri ng kapwa Pilipino- mga Bisaya, Tagalog, Ilokano, at iba pa ang dumagsa rito kasunod ng ikalawang digmaang pandaigdig. Ang mga Mangyan, Buhid at Bangon (Tau-Buid) ang mga kauna-unahang nanirahan at namuhay sa lugar na ito ng Lisap. Ngunit ang maramihang pagdagsa ng mga dayuhang Pilipino ay siyang nagtaboy sa mga katutubo na lisanin o iwanan ang kanilang mga bukirin. Sa kanilang pag-iwas, ang mga katutubong ito ay umalis sa lugar at sinundan pahulo ang Ilog Bongabong at Ilog Sigange hanggang sa humantong sila sa kabundukan na kung saan kanilang ipinagtanggol ang kanilang karapatan sa bago nilang tuklas na mga bukiring pamana sa kanila ng kanilang mga “ninuno”. Para sa kanila ay malayo na sila sa suliranin sa kamay ng mga bagong dating na mga “luktanon” o “binyagan”. Noong una , ayaw ng mga katutubong ito na makaratig o malahukan ng mga “luktanon” sa takot na sila ay saktan o patayin. Ang mga katutubong ito ay likas na mahiyain, kimi, tahimik at mapagpakumbaba.


        Noong taong 1961, ang lugar ng Morente ay isa ng Baryo at ang Tenyente del Baryo noon ay ang yumaong GREGORIO ONG. Isa sa mga konsehal nito ay taga-Lisap (isang lugar nanoon ay sitio lang) ang kumilos upang ihiwalay ito sa inang baryo na Morente. Noon ang Punong Bayan sa Bongabong ay ang yumaong ERNESTO UMALI. Sa pananaw noon ay ang konsehal ng Morente na si DIOSDADO MARTINEZ, kailangang ihiwalay Lisap sa Morente. Sa pakikipagtulungan ng pangkat ng yumaong Mayor Ernesto Umali, pinalaya ang sitio Lisap sa Baryo Morente at simula noon ay nagsarili nang Baryo ang lugar na Lisap. Ang unang naging lider ng Baryo Lisap ay walang iba kundi ang yumaong DIOSDADO MARTINEZ – unang TENYENTE DEL BARYO. Ngayon, ang pangalang “LISAP” ay isa ng pangalang nakatala sa mapa ng Bayan at isa kung hindi man siyang pinakamalaki ang lupang masasakupan. Maging ang populasyon nito ay pinakamalaki.

        Isa nang Barangay ang Lisap. Nabiyayaan ito ng kompletong Mababang Paaralan at ang nasabing paaralan ay itinayo pa noong panahon ng yumaong DIOSDADO MARTINEZ (ang lumang gusali) at naragdagan ng iba pang gusali sa loob ng dekadang ito. Karagdagan pa sa kaunlaran ng Barangay na ito ang naumpisahan nang daang Barangay na sandaling sinusulat ang kasaysayang ito, ang nasabing daan ng Barangay Lisap ay hindi pa natatapos. At marami pang iba na maging bantayog ng pag-unlad ang lumakip na sa pag-sulong at pag-babago ng Barangay LISAP.

Mga salitang ginamit sa kasaysayang ito:

LISAP - maling bigkas sa salitang “LISAY”, isang pangalan ng katutubong Buhid ukol sa kasariang babae.
LISAYAN - pangalan ng katutubong Buhid sa kasariang lalake.
AFU SUKOL - ayon sa Buhid na nag-ambag sa kasaysayang ito si Sukol ang siya ng Ilog Bongabong.
SIANGE - galing sa salitang Tagalog na “Si Anggi”, isang babaing mangangalakal (Bisaya) na tumira malapit sa bukana ng Ilog Siange.
BATO BULANG - Kasintahang pinagtaksilan ni LISAY na dahil sa tinamong kabiguan magbuhat sa naging kapalaran niya sa kamay ni Lisay ay namuhay nang mag-isa at nag-bahay sa gitna ng Ilog Bongabong sa tapat ng sitio Gumatos- at hanggang ngayon ay nakikita sa kanyang tayo ang bilang isang bato na malaki na hindi natinag sa kanyang dating kinalalagyan at hindi na umalis sa pag-asang babalik pa sa kanya si Lisay.
BALAHID - isang binatang Buhid na naka-tira sa tapat ni Lisay, nakipag-isang palad kay Lisay sa mahabang panahon at sa di masukat na yugto ng mga panahong pinagsamahan nilang dalawa ay pinaghiwalay ng kalikasan si Balahid at Lisay at ayon sa salit saling sabi, sa pagitan ni Balahid at Lisay dumaan si Afu Sukol na sa ngayon ay siya ng ILOG BONGABONG.

MGA PINAGKUNAN NA AMBAG SA PAGBUO NG KASAYSAYANG ITO:

        Ang yugtong matandang Mangyan ABOG, isa sa unang tumira sa Sitio Akliang Si Matandang BALAY LUT-AN (isang Tau-Buid), isa sa mga tumira sa Sitio Ginyang (namatay noong 1984). Ang naging lider Buhid na tumira sa Panuban-Siange na si Mangyan SAGYOM (namatay na). Brgy. Kagawaad Vicente Salmorin (Kasalukuyang Kagawad) ng Barangay Lisap. Punong Barangay Emiliano S. Eustaquio, kasalukuyang pinuno ng Lisap. Ex-Konsehal Aguinaldo Subito, naglingkod sa Barangay bilang isa sa mga naunang Konsehal ng Lisap.





• Barangay Luna History


Taong 1949, ang lugar na ito ay kagubatan at ang naninirahan ay Mangyan, kalahok ng mga baboy-damo at mga tamaraw. Ang Barangay Orconuma at ang lugar na ito ay iisang lupain sapagkat ang Ilog ng Bongabong ay doon dumaraan sa Barangay Kaligtasan tinawag ng mga mangyan na Ariray ang lugar na ito.

        Dumating ang pagkakataon na may mga taong buhat sa Tablas, Romblon at Ilocos ang sumakop sa lugar na ito at silay nag-apply ng homestead. Nag-linis sila ng kagubatan at nakipagsapalaran sila sa malaria at iba sa kanila ay nangamatay sa sakit. Hindi sila nagsawa sapagkat naging maunlad ang kanilang pagtatanim dahil sa matabang lupa.

        Ang pamilyang ito ay ang Jarabe, Camacho, Morada, Contreras, at pamilya Luna na may pinakamalawak na lupain. Dahil sa malawak na lupain, ang kanilang pag-aari ay nangalap siya ng mga tao sa Ilocos upang siyay magtrabaho. Nabigyan niya nang kasiyahan ang mga tao sa pagpapatayo ng isang poso “artesyano” na siyang pinanggagalingan ng pinakamalinis na tubig sa buong lugar na ito.

        Dumami ang mga tao at pasaya ng pasaya ang lugar sa pagdaraos ng piyesta at ibat ibang kasiyahan. Sa kabila ng mga kasiyahan ay dumating ang bagyong “Wanda” na siyang naghiwalay ng Orconuma at ang lugar na ito dahil sa paglipat ng ilog ng Bongabongsa pagitan ng lugar na ito.








        Lalong nasiyahan ang mga tao dahil sila ay makakapagsarili na ng Barangay sa halip sitio Ariray lamang ng Orcunoma . Nagpasok sila ng resolution upang maging Barangay ang lugar na ito sa pamahalaan ng Bongabong kung saan si Mayor Rosendo Umali ang kasalukuyang Mayor noon at pinagtibay ang kanilang kahilingan . Si Mayor Severino Luna ang Tenyente del Baryo at siya ring may pinakamalawak na lupa at pinakamaraming tauhan , kung kaya na sa pangalang Luna na hanguin ang pangalan ng Barangay , kaya buhat noon ay tinawag na itong “LUNA”.

        Nong taong 1962 , ay nagkaroon ng isang pawid na Paaralan sa lob ng lupain ni Mayor Luna na ang naging guro dito ay si Mrs. de Guzman at makaraan ang dalawang taon ay humalili dito si Miss Bacolor na ngyon ay si Mrs. Lagud at noong sunod ns taon ay nadagdagan pa rin ng isa pang pawid na paaralan na medyo malalaki kaysa sa dating paaralan . At ayon pa sa mga nag-aaral sa paaralang ito , itong paaralan ito ay ginawang kulungan ng manok ni Mrs. de Guzman kung gabi at kapag araw ay siyang paaralan.

        Natapos ang panunungkulan ni Mayor Luna sa Brangay na ito at sinundan ni Kapitan Juanito Anthony . Taong 1955 ay kasalukuyang Punong Barangay si G. Juanito Anthony kaya nagmungkahi ang Punong Barangay na ilipat ang paaralan . Si Pascuala Perez ang siyang nagkaloob ng isang ektaryang lupa na siya ngayong kinatatayuan ng kasalukuyang paaralan ng Luna .


        Natapos ang panunungkulan ni Juanito Anthony sa Barangay at sinundan ng mga sumusunod:

Antonia Gabaia
Victoriano Doce
Gregorio Ilagan
Arcadio Asi
Sixto Asi

        Sa kasalukuyan , si G. Melecio Ilagan ang halal na Punong Barangay . Sinisikap ng Punong Barangay na ito na lalo pang mapaunlad ang Barangay na ito sa tulong ng Pamunuan nag Bayan ng Bongabong sa pangunguna ng ating kagalang-galang na Mayor Alex I. Enriquez .

        Sa kasalukuyan , ang mga anak at apo ni Pascuala Perez ay nagmungkahi na bigyang dangal ang kanilang pangalan upang magsilbing ala-ala ang kanyang pangalan sa Barrio Luna.





• Barangay Malitbog History


SA KASALUKUYAN:

        Ang Barangay Malitbog ay may layong 1.2 kilometros mula Poblacion. Ang Barangay na ito ay may lawak na isang libo at dalawampu’t limang ektarya ( 1,025 hek.), kung saan siyamnapung ektarya ( 90 hek. ) ay kapatagan at sampung ektarya ( 10 hek. ) ay bulubundukin. Ang land use category naman ay dalawampung ektarya para sa residential, limang ektarya ang industrial, siyam na daan ang agricultural at isang daang hektarya ang kabundukan.

        Tungkol naman sa kalagayang panlipunan, isinasaad ang ganito: ang sampung pangunahing dahilan ng moralidad or mortality in all ages ay ang mga sumusunod: C. A. Bronchitis, P.T.B., Hepatitis, C.A. of the neck, Coronary Heart Disease, Old Age and chemical Poisoning.


TINGNAN NAMAN NATIN ANG STATUS NG EDUKASYON

        Ang Barangay Malitbog ay mayroong eskwelahang pang Elementarya ito ay ang F.M. Salcedo Memorial School, kung saan mayroong Three Hundred Thirty Four Pupils Enrolled sa Primary, siyam na guro at siyam na silid aralan. Mayroon namang isang daan at dalawampu’t isa na intermediate pupils, limang masipag na guro at apat na silid aralan na may kabuuang four hundred fifty five pupils, labing apat na mga guro at labintatlong silid aralan.


DUMAKO NAMAN TAYO SA TRANSPORTATION FACILITIES

        Papuntang Poblacion ang mga mamamayan ay sumakay sa trysikel at patungong kapitolyo ay sumakay naman sa bus, Radio and Television is our present media facilities.

        Para naman sa protective services or peace and order, nariyan ang aming masisipag na barangay tanod brigade at ang huli ay mayroong tatlong basketball court at isang softball court ang barangay na ito. Para naman sa sports and recreation.














        Sa kasalukuyan ito ang Barangay Malitbog ay nasa pamumuno ng masipag na Barangay Captain JOSE RAMIREZ.

        Ayon sa aming mga ninuno ang pangalang Malitbog ay nanggaling sa mga katutubo ( Mangyans ) kung saan sila ang nagbigay ng pangalang MALITBOG na ang ibig sabihin ay “ilog”. Tinawag din itong Malitbog noong unang panahon dahil sa ang barangay na ito ay laging lubog sa tubig sa dahilang hindi pa nade-developed ang mga kalsada. Halos wala pang mga sasakyan maliban sa paragos at kariton na hinihila ng kalabaw at baka.

        Kung papunta naman sa palengke, karetela o kalesa naman ang masasakyan mo.

        Noong mga kapanahunang’yon ang Barangay Malitbog ay may lawak na siyam na daan at limampung hektarya, dalawang libo at isang daan at apat ang populasyon at dalawang daan pitumpo at walo ang may bahay o households.

        At sa panahong ‘yon 1948 nag-umpisang manungkulan sa barangay na ito si CATALINO TEBANG ( 1948-1950 ), CRISANTO DELMO taon ( 1950-1952 ), GORGONIO ASILO ( 1952-1954 ), BONIFACIO AMPARO ( 1954-1956 ), AURELLO PANALIGAN ( 1956-1960 ), PRUDENCIO CARINGAL ( 1960-1964 ), LEOVIGILDO MANTARING ( 1964-1968 ), PIO ALMAREZ ( 1968-1970 ), DIONISIO ALMAREZ ( 1970-1974 ), ALFEO ILAO ( 1974-1980 ), LEONCIO COZ ( 1980-1993 ).

        Ang labing isang mga kapitan na namuno at nag-umpisang umukit ng mga magagandang pagbabago hanggang sa dumating ang taong kasalukuyan na masasabing ang Barangay Malitbog ay isa na sa tatlumpu at anim na masasabi nating nagkakaisa at maunlad na barangay.

        Sa pamumuno ng masipag na barangay captain JOSE RAMIREZ. Sa ilalim ng administrasyon na mapagkakatiwalaang MAYOR ALEX I. ENRIQUEZ at masipag na VICE-MAYOR HERCULES UMALI at MGA SANGGUNIANG BAYAN.

ITO ANG BARANGAY MALITBOG!!!


• Barangay Mapang History


        Noong una, taong 1949, ang kauna-unahang tao sa nasabing Barangay ay ang mag-asawang Felix Formon, at ang Barangay Mapang kung tawagin sa ngayon. Ito noon ay isang Sityo pa lamang at ang nasabing Sityo ay tinatawag na Pulingon. Noong 1950 dumating ang mag-asawang Temoteo Mameng at Soyha. Nagkaroon na ng pagbabago ang pangalan ng Sityo Pulingon sa dahilang ang tawag na ni Felix sa kanyang asawa ay Ma at ang tawag namasn ng kanyang asawa kay Felix ay Pang, kung kaya’t ang Sityo Pulingon ay tinawag na Mapang hanggang sa ito ay naging isang Barangay hanggang kasalukuyan. Taon 1959, si Ginoong Temoteo Mameng ay itinalaga ni Dr. Rodreguez upang maging isang Tenyente sa Barangay Mapang. Subalit taong 1964 ay nagkaroon na ng halalan para sa Punong Barangay, ngunit siya ay natalo sa naganap na halalan kung kaya’t si Gng. Paula Castillo na ang naging Punong Barangay, taong 1969 ang Punong Barangay na si Gng. Paula Castillo at G. Mameng ay muling lumaban para sa halalan ng Punong Barangay, tinalo naman ni G. Temoteo Mameng si Gng. Paula Castillo kaya si G. Mameng ang itinanghal na ama ng Barangay hanggang tumagal siya ng dalawampu’t isang taon ( 21 ) sa panunungkulan, at nagkaroon na muli ng halalan at ang naging kalaban na niya ay si G. Falconerio Sarmiento at siya ay natalo ni G. Sarmiento. Tumagal ng labing pitong taon ( 17 ) sa panunungkulan si G. Sarmiento.

        Muling nagkaroon ng halalan, at lumaban kay Kapitan Sarmiento ang panganay na anak ni G. Temoteo Mameng na si G. Nestor Mameng. Subalit nabigo ang anak ng dating Kapitan at nanalong muli si G. Sarmiento. Nang sumunod na halalan muling lumaban si G. Nestor Mameng at sa ikalawang paglaban niya ay natalo na niya ang dating Kapitan. At hanggang sa ngayon siya ang itinanghal na Kapitan ng kanilang Barangay.

ITO ANG BARANGAY MAPANG!!!










• Barangay Masaguisi History


Ayon sa kasaysayan, ang pangalang MASAGUISI ay nakuha sa pangalan ng isang uri ng isda na kung tawagin ng mga unang naninirahan sa pook na ito ay “SAGUISI” na isdang napakarami at siyang karaniwang nahuhuli sa baybaying ito o coastal waters kung kaya tinagurian ang barangay na ito na ”MASAGUISI”.

        Ang barangay na ito ay nasa baybaying dagat na bukas at harap sa Isla ng Romblon na tinatahak at pinamamagitan ng Tablas Strait pasilangan. Ito ay nahihiwalay sa barangay Cawayan ng Ilog Bongabong ( Bongabong River ). Ang mga taong unang nanirahan sa tabi ng Masaguisi River ay sagana sa mga isda at iba’t ibang marine life. Iba’t-ibang uri ng mga ibon at mga hayop sa kagubatan ang dito ay siya ring matatagpuan. Marami rin ditong mga wild boars, Manok-manok, Kilyawan, Loro at Pikoy. Matatagpuan din sa ilog Masaguisi ang mga buwaya at iba pang hayop.

        Mga bangkang de layag o batel ( wind-aided wooden vessel ) na pag-aari ng angkan ng mga Llamando at malaking dagat na “ Sikat of Bongabong “ ng Hernandez family at Batel “ FILIPINAS “ ng angkan ng mga Lazaro ay dumadaong dito sa Masaguisi at Tinadiangan River. Ang mga batel na ito ang nagsisilbing sasakyan ng mga tao at nagdadala ng mga paninda galing sa bayan na siyang nagpaunlad ng komersyo dito.

        Ayon sa kasaysayan, ang mga taong unang nanirahan dito ay galing sa mga lalawigan ng Panay, Marinduque, Romblon at mga magsasakang galing sa lalawigan ng Batangas.

        May 30 metros kilometros ang kalakhan ng barangay na ito ay may kabuuang papulasyon na humigit kumulang sa 10,000 ayon sa sensus ng taong 1996. Ang maliit na bahagi nito ay mga palaisdaan at pala-sugpuan. Ang dati ay malaki at maluwang na kagubatan na pinamumugaran ng mga hayop at mga ibon ay wala na ngayon dahil ang kalawakan nito ay nabuksan na ng mga masisipag na magsasaka at ginawa itong mga tubigan, tinaniman ng mga puno ng mga niyog at saging. Ang ibang bahagi ng kalawakan ay tinaniman ng mga bungang-kahoy, vine crops at iba’t-ibang mga gulayin. Sa ngayon ang pinakapangunahing hanap-buhay ng mga naninirahan dito ay pagsasaka at ang pangingisda ay pangalawang bagay na kanilang pinagkakakitaan.














        Ang mga naninirahan dito ay tinaguriang Masaguisinhon na pawang mga mababait, matatahimik at mapagmahal na mga tao. Ang kanilang mga kaugalian ay pinagsamang kaugalian ng mga Batangueño, Rombloanon at impluwensya ng mga Marinduqueños. Ang mga tao dito ay mahihilig sa buhay sosyal at sa mga sayawan subalit mapagmahal naman. Taglay din nila ang matatandang kaugalian tulad ng pagmamano sa mga katandaan tanda ng kanilang paggalang. Marami ng mga relihiyon ang dito ay matatagpuan tulad ng ng Roman Catholics at Aglipayan. Narito din ang Church of Christ at ang relihiyon ng Iglesia ni Cristo. Sa pagtagal ng panahon ang relihiyong Aglipay ay unti-unting naglaho.

        Ang pagdiriwang ng fiesta ang masasayang okasyon kung saan ang pamilya ay masayang nagkakatipon at siyang nagiging masayang okasyon ng kanilang pagsasama-sama o reunion. Ang paglabas ng “ Moro-moro “ ang isa sa mga pangunahing tampok na panoorin ng mga ganitong kapistahan. Sabong, mga palaro at iba pang mga aktibidad ang mga ginaganap para sa pagdiriwang ng Pistang nayon.

        Ang Cabeza de Barangay ang siyang namamahala ng buhay sosyal at pampulitika ng barangay na ito noong panahon ng pananakop ng mga dayuhann Kastila. Subalit ng dumating ang pananakop ng mga dayuhang Amerikano, ang pamamahala dito ay napalitan. Ang dating punong Cabeza de Barangay ay napalitan ng Barrio Lieutenant na naglilingkod ng walang sahod. Si G. Antonio Mortel noong taong 1928 hanggang 1930 ang siyang itinalagang unang Tinyente del Barrio ng Masaguisi. Siya ay sinundan ni G. Epifanio Maambong noong 1930 hanggang 1933 at sinundan siya bilang pangatlong Tinyente del Barrio ni G. Felix Formon noong 1934 hanggang 1936. Noong 1936 hanggang 1942, si G. Luis Fernandez ang Primera del Barrio at si G. Alipio Ferias ang Segunda Tinyente. Noong simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ( outbreak of the Second World War ) taong 1941 at sa mga unang araw ng okupasyon ng mga Hapon dito sa Mindoro, itong si G. Luis Fernandez ay tumakas at nagtungong Maricaban, Batangas para hindi siya mahuli o maaresto ng mga sundalong Hapon at sa pagtakas niya ay humalili bilang Tinyente del Barrio si G. Alipio Ferias. Hindi naman nagbago ang pamamahala sa Masaguisi sa maikling okupasyon ng mga Hapon na pumasok dito. Masasabing may ilang taga-Masaguisi ang sumamang makipaglaban sa mga Hapon at ilan dito ay si Pvt. Luciano Fallarme Famagitan na sumapi sa Philippine Scout na magiting na nakipagsapalaran sa Bataan kung saan siya namatay na isang itinuturing na bayani ng bayan. Sa panahon ng pananakop ng Hapon ay itong si G. Francisco B. Fajilan na isang guro ay ikinulong ng mga sundalong Hapones sa dahilang hindi niya tinanggap na magturo sa Masaguisi nang siya ay utusang magturo dito. Mabuti na lamang at sa tulong at pakiusap ng nahirang na Punong Bayan ng mga Hapon na si G. Jacinto Isler ay nailabas ito sa kulungan.

        Noong taong 1943 hanggang 1946 si G. Escolastico Ylagan Hernandez ang naging Tinyente del Barrio ng Masaguisi hanggang sa panahon ng liberasyon ng Mindoro at samantalang si G. Hernandez ay binigyan ng isang sekretong misyon ay naging Segunda Tinyente del Barrio ng Masaguisi si G. Francisco B. Fajilan. Mula naman ng taong 1946 hanggang 1954 ang namuno bilang Tinyente del Barrio ng Masaguisi ay si G. Aurelio Ylagan Hernandez.


        Noong mahati na ang lalawigang Mindoro sa dalawang lalawigan na Oriental at Occidental Mindoro naging mga elektado na ang Tinyente del Barrio at ang mga sumusunod ang mga namuno na ang mga halal ng mga Tinyente del Barrio:

G. MENELITO CONTE halal na Tinyente del Barrio 1955-1958
G. TEOFILO FALLA 1958-1962
G. ALIPIO FERIAS Unang halal na Brgy. Captain 1962-1966
G. VENCIDOR FALCULAN 1966-1970
G. GREGORIO FERNANDEZ 1970-1973
G. RODOLFO CULMINAR 1973-1977
G. RESTITUTO HERNANDEZ, SR. 1977-1988
G. JULIO MORRIS 1988-1993
ENGR. NILCAR Y. FAJILAN 1994- hanggang sa kasalukuyan

        Sa kasalukuyan ang pagsasaka at pangigisda ang mga pangunahing hanap-buhay o pinagkakakitaan ng mga naninirahan dito. May mga nagniniyugan din dito na siyang ikinabubuhay ng ilan at ang iba naman ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga pampasaherong sasakyan tulad ng VAL LINER na tatlong beses ang byahe araw-araw patungong bayan ng Roxas, Silangang Mindoro.

        Noong taon 1990, sa pagdami ng mga naninirahan dito ang malaking sityo Mina de Oro ay naging Barangay sa pamamagitan ng pagdaraos ng plebesito at sa pagiging isang barangay ng Mina de Oro ay nagkaroon na lamang ng anim ( 6 ) na sityo ang Barangay Masaguisi at ito ang Happy Village, Crotinda, Centro, Maharlika at Barangay Road.








        Pagkaraan naman ng labing isang taon mula ng idaos ang EDSA REVOLUTION noong 1986 ang barangay na ito ay bumilis ang pag-unlad. Nagkaroon dito ng isang Barangay Hall at Health Center at isang Post Office na naitayo noong 1990. Nagkaroon din ng simboliko triangular na landmark ( waiting shed ) na may logong isda na itinayo at makikita ngayon sa crossroads patungong kabayanan ng Masaguisi. Nagkaroon na rin ng konkretong mga daan at Day Care Center at higit sa lahat ay nagkaroon dito ng isang maluwang at modernong “PEOPLES PARK“ na isang parkeng pinagdarausan ng mga kasiyahan para sa lahat. May panggabing pagtitipon na tinaguriang “SABADO NIGHT“.

        Dito rin ginaganap ang mga pagdaraos ng mga iba’t-ibang pakanaing pangrelihiyon at pangsibiko. Marami na rin dito ang mga bahay na moderno at konkreto. May isang ektarya na nereclaim ng Barangay konseho na kung saan itinayo ang Happy Village Basketball Court at entablado na may konkretong river dikena tagapagsanggalang. Ang mga tahanan ay may mga radio at television sets, stereo, video cassettes na siyang pinanggagalingan ng mga balita, impormasyon at mga pang-aliw sa tahanan. Ang Barangay ngayon ay may isang electric generator na pinangangasiwaan ng Masaguisi Primary Multi-Purpose Cooperative Inc. ( MASA-PRIMCO ) na siyang nagbibigay ilaw-elektrisidad sa barangay mula sa alas 6:00 ng hapon hanggang 10:30 at 5:00 ng umaga hanggang 6:00 ng umaga araw-araw.

        Sa larangan naman ng edukasyon ay nanguguna ang barangay na ito. Ang unang elementarya dito ay naitayo noong 1940. Nagsimula ito sa dalawang grado lamang na may 25 mag-aaral. Nang magkaroon ng ikalawang digmaang pandaigdig noong Disyembre ng taong 1941 ang pag-aaral ay nahinto hanggang sa muling dumating ang katahimikan ( peace time ) at ang mga klase ay muling nabuksan noong Hunyo 1944. Si G. Francisco B. Fajilan ang naging administrator at guro dito at mula noon ay patuloy na ang pag-unlad ng edukasyon sa barangay na ito. Nabuksan ang ika-III, ika-IV, ika-V, at ika-VI at noong taong 1949 ay naging kumpletong elementarya ang paaralang ito. Taong 1966 ay nabuksan ang Masaguisi Barrio High School at ito ngayon ay naging Masaguisi High School na tumanggap ng karangalan bilang “ Most Effective Public Secondary School “ sa Silangang Mindoro sa looban ng tatlong taong pangunguna ng nawalang Punong Puro na si Gng. Asuncion Falculan-Entera. Sa ngayon ang paaralang ito na maunlad ay pinamamahalaan ni Punong Guro Domingo Herrera.

        Patuloy ang pag-unlad ng Barangay na ito lalo pa’t ang kanyang mga anak na nag-aral ay masipag at masisinop sa pagtulong dito at may layuning lalong paunlarin ang Barangay na ito sa lahat ng aspekto ng pamumuhay.


• Barangay Mina De Oro History


MINA DE ORO got its real title being one of the independent barangays in Bongabong in 1991. Tracing its origin, Mina de Oro is only a “SITIO“ of Barangay Masaguisi before, where the mother barangay came into its being in the 16th century.

        Looking back at the location of this place, formerly, it was a forest area where no one lives. Growing trees, talahib and other tall grasses make up its vegetation. It was located in the southern end of Bongabong. Since it was only a sitio of Barangay Masaguisi it took long years before this was developed the land to productive areas. The main source and income of residents are agricultural crops

        Before, the whole hectares of land in Mina de Oro was owned by MR. FIDEL M. REYES as haciendero. The first people ( in Mina de Oro ) who settled in Mina de Oro came from Ilocos Region, Batangas, Tablas, Masbate and Panay. They used row boats going to nearby places. Roads are not yet constructed during that time

        Before World War II, the place was headed by a Tinyente del Barrio among them were ANTONIO MORTEL in 1928-1930, EFIPANIO MAAMBONG in 1930-1933 and FELIX FORMON in 1934-1936. In 1936-1942, LUIS FERNANDEZ was the Primera Tinyente del Barrio and ALIPIO FERIAS Segunda Tinyente. It was during December 1942 where the Second World War started. LUIS FERNANDEZ escaped from Maricaban to the Japanese soldiers. ALIPIO FERIAS temporarily took his place. After the liberation, ESCOLASTICO HERNANDEZ run the barrio from 1942-1946. Next were AURRELIO HERNANDEZ ( 1946-1954 ), MENELEO CONTE ( 1958-1962 ) and TEOFILO FALLA ( 1958-1962 ).













Tinyente del Barrio was changed to Kapitan del Barrio ( Barangay Captain ). The first elected Barangay Captain was ALIPIO FERIAS ( 1962-1965 ).

        Other elected Barangay Captain were as follows:

VINCEDO FALCULAN 1966-1970
RODOLFO COLMERAR 1970-1974
GREGORIO FERNANDEZ, SR 1974-1982
RESTITUTO HERNANDEZ, SR 1982-1988
JULIA N. MORIS 1988-1993

        Because of the population of this sitio and its hectares of land, sufficed the requirements being independent barangay, people of Mina de Oro wished to be separated from Masaguisi. MR. SIXTO MARASIGAN and PASCUAL LOPEZ had some follow-up regarding the separation of this sitio to the mother barangay. Ex-Barangay Captain, RESTITUTO HERNANDEZ helped the Mina de Oro residents to go near with some government officials. Barangay Captain JULIA MORIS also showed concern in this request.

        Concerned people of Mina de Oro with the help of MR. RESTITUTO HERNANDEZ and Capt. MORES to Mayor RENATO U. REYES and other member of Sangguniang Bayan. They passed a resulotion to the Provincial Government and was approved.


        The first appointed Barangay Captain was SIXTO S. MARASIGAN ( 1991-1994 ) his Councilors; FRANCISCO T. MANZANO, TURIANO ABEL, TOMAS MASO, TEODORO TOLENTINO, SR., ROMEO PEREZ and GUILLERMO CONCEPTION. These were the first leadres of Barangay Mina de Oro.

        Next to this set of officials were as follows:

FRANCISCO T. MANZANO Barangay Captain
ROMEO D. PEREZ Barangay Councilor
CELEANO RAMOS Barangay Councilor
TURIANO ABEL Barangay Councilor
TOMAS MASO Barangay Councilor
GUILLERMO CONCEPTION Barangay Councilor
MANNY PURTOGAL Barangay Councilor
RODENTE LOPEZ Barangay Councilor

        Now Elementary School ( Grades I and II ) with ( 15 pupil ) more families were added the population. The need for complete Elementary course was realized Elementary graduates continue their studies in High School at Masaguisi National High School. Only those who can afford to send their children to school were able to finish. It was a dream come true for the people of Mina de Pro as well as local officials who were the great person behind. At present, mina de Oro progress, evidence could be noted in the history. To name a few, basketball court, waiting sheds serve as shady places for peoples waiting a jeepney or bus, free flowing, bridge, connecting Riverside to Mina de Oro, barangay roads and 100 meters concrete road.

        In ten years time, perhaps Mina de Oro will be more progressive competing other barangays in the province.





• Barangay Morente History


        Ang Morente noon ay isa lamang malawak na kagubatan, iilan lamang ang mga taong nakatira dito. Noong 1949, may itinayong Sawmill sa lugar na ito na may 16 na kilometro na ang dinadaanan ay kalsadang ginawa ng Asiatic Sawmill. Dito nagsimula ang pagdami ng tao sa lugar na ito, hanggang sa dumating ang taong 1952, na karamihan ay naghahangad na magkaroon ng lupa. Noong panahong iyon ay si Rosendo Umali ang nanunungkulang Mayor ng Bongabong, hanggang sa dumami ang tao sa paligid ng Sawmill Compound, at doon din ipinagawa ang National Road na nakarating sa Bongabong River na tumawid sa ilog papuntang Sawmill.

        Noong panahong iyon ang Governor ay si Conrado Morente at sa pamamagitan ni Mayor Rosendo Umali ay nasakop ng Bongabong ang lugar na ito. Noong 1956 nagkaroon ng election sa barrio at si Juaquin Kulibao ang naging Teniente del Barrio hanggang 1958, at ang sumunod na Teniente del Barrio ay si Eduardo Buñag at sa kanyang pamumuno ay nagkaroon ng paaralan ( Grade One ) sa Morente, na sa pamamagitan ni Tomas Cheng, Manager ng Sawmill.

        Pagkatapos ni Eduardo Buñag ang sumunod na Teniente del Barrio ay si Pascual Magracia muli na ang Segundo Teniente del Barrio ay si Nicanor Gaad, Sr. Sa panunungkulan ni Pascual Magracia siya ay nabaril at namatay at pansamantalang naging Acting Teniente del Barrio ay si Nicanor Gaad, Sr. Sa loob lamang ng maikling panahon, noong 1961 ang pumalit na Teniente del Barrio ay si Blas Fabella at noong 1962 nagkaroon ng election at ang naging Kapitan del Barrio ay si Gregorio Ong laban kay Duming Martinez dito nagsimula ang pagbuo ng mga sitio sa Barrio Morente, katulad ng mga sumusunod: Sitio Bibiongin, Sitio Bintulagan, Sitio Nawa, Sitio Batangan, Sitio Lisap Blasting, Sitio Batangan Mangyan, at Sitio Siyange.

        Lumipas ang ilang taon sa panunungkulan ni Kapitan del Barrio Gregotio Ong humiwalay ang Sitio Lisap at naging bukod na Barrio sa pagkakasundo ni Kapitan Ong at Duming Martinez na ang kasunduang Boundary ay sa dulo ng tulay sa Sitio Blasting Lisap. Sa panunungkulan ng Kapitan del Barrio Gregorio Ong ay nagkaroon ng School Site ang Morente Elementary School at sa tulong din ng District Supervisor na si Mr. Reymundo ay nakapagpagawa din si Kapitan Ong ng Water Tank sa Sitio Maburak na pinagkukunan ng tubig inumin ng mga estudyante sa Mataas at Mababang Paaralan ng Morente. Panahon din ng panunungkulan ni Kapitan Ong ng ipagawa ang Basketball Court at Stage sa Sitio ng Sibiongin, katulong ang kanyang Konsehales na sina: Ricardo Manes, Exequel Fradejas, Benito Añar, Alberto de Castro, Renerio Olever, at Venacio de Mayuga at si Helen Olever ang Kalihim at Ingat-Yaman.












        Noong 1970 nagkaroon muli ng halalan at ang naging Kapitan del Barrio ay si Jose Ramilo na ang kalaban ay si Florentino Añonuivo at sa panunungkulan ni Kapitan Ramilo nagkaroon ng Mataas na Paaralan ang Barrio Morente na kung tawagin ngayon ay Morente National High School, na ang naging kauna-unahang guro ay si Bb. Lydia Falla at ang naging Konsehales ay sina: Renerio Olever, Vincente Magkamit, Kalihim Rogelia Magkamit at Ingat-Yaman.

        Noong 1982, nagkaroon uli ng halalan sa Barangay at ang pinalad na Kapitan ay si Tomas Moredo sa unang Term ng panunungkulan ni Kapitan Moredo ang kanyang naging Konsehales ay sina: Syre Robidello, Jerrynick Gaad, Leofoldo Buhay, Rene Anuran, Vecente Salmorin Jr. at Ruben Galvero. Nagkaroon uli ng halalan sa Barangay sa pamamagitan ng pataasan ng boto at muling naging Kapitan si Tomas Moredo at ang mga naging Konsehales ay sina: Syre Robidello, Recardo Gadon, Contancio Gadon, Ernesto Salmorin, Leopoldo Buhay at Jorge Tan. Nag-resign si Syre Robidello at ang pumalit ay si Jocelyn Manalo, nag-resign si Jorge Tan at ang pumalit ay si Abdon Inocencio. Sa panunungkulan ni Kapitan Moredo ay nag-karoon ng proyektong Basketball Court sa Sitio Nawa Centro at Water System sa Sitio Pag-asa I.

        Noong 1994 nagkaroon muli ng halalan at ang naging Punong Barangay ay si Kapitan Boy Gaad laban kay Tomas Moredo. Sa unang panunungkulan ni Kapitan Gaad kasama ang mga Konsehales na sina: Antonio Romilo, Elpidio Rubion, Loleto Sayse, Jocelyn Manalo, Cecilia Gabayno, Ricardo Gadon at Felimon Martinez, Sammy Ramilo kalihim at Rogelia Magcamit Ingat-yaman.

        Sa unang panunungkulan ni Kapitan Gaad ay nagkaroon ng magandang Organisasyon ang mga Barangay Tanod sa Barangay Morente, na pinamunuan ni Armando Gain bilang Hepe ng Barangay Tanod, Carlos Rios, Melchor Lolong, Rogelia Bangalisan, Florencio Magramo, Fredie Magramo, Zaldy Fernandez, Jone Cruz, Rodolfo Frogasa at Emilio Fernandez.

        Sa panunungkulan din ni Kapitan Gaad nagkaroon ng Barangay Justice sa Barangay Morente, na sina Mario Rubion, Adolfo Francisco, Bayani Ignacio, Rufino Manalo, Ernesto Solangon, Felomina Alita, Cristy Fernandez, Simeon Macunat, Rodrigo Faminial, Jimmy Musico, Edden Ferran, Jayson Salsona, Ricarte Manadali, Joseph Bansuli, Erlinda Gabo, Lovelico Gajela at Elvas Casidsid.


        Noong 1997 nagkaroon muli ng halalan at ang mapalad na naging Punong Barangay ay si Kapitan Boy Gaad pa rin laban kay Ginang Antonina Madali. Sa pangalawang panunungkulan ni Kapitan Gaad kasama ang kanyang mga Konsehales na sina: Jocelyn Manalo, Eduardo Salmorin, Abdon Inocencio, Ramon Verano, Cecilia Gabayno, Rizaldy Canja, Rolando Fulgencio at ang Kalihim Sammy Ramilio at Ginang Rogelia Magcamit ang Ingat-yaman. Sa pangalawang panunungkulan ni Kapitan Gaad nakapagpagawa ng isang maayos, makabagong gusali sa mababang Paaralan ng Morente. Sa pag-uugnayan ng Kapitan ng Batangan Egnop Ucad ay naisagawa ang maayos na daan patungong Barangay Morente sa pakikipagkaisa ni Kapitan Boy Gaad.

        Isang maayos at matibay na pahingahan naman ang naipatayo sa harap ng Barangay Hall ng samahan ng mga Kabataang Barangay, sa pangunguna ni Barangay Chairman Mark Anthony Gaad na nagkaroon ng Barangay Hall ang Barangay Morente ang pakikinabang, nagkaroon ng Water System ang Sitio Pag-asa I, nagkaroon ng Proteksyon dike ang Sitio Pag-asa I, nagkaroon ng Water System ang sitio Matalon, nakapagpagawa ng Waiting Shed ang Matalon, papuntang Sitio Nawa Centro nagkaroon ng Water System sa Sitio Nawa proper at nakapagpagawa ng Waiting Shed sa Sitio Sibiongin.





• Barangay Ogbot History


        Katutubong Mangyan dapat igalang at parangalan. Sila ang mga taong nagsumikap upang mapagyaman ang mga baybaying bahagi ng bayan ng Bongabong . Sila ang nagbukas ng madawag na bukirin at sa kanilang pagsusumikap ay napagyaman ang dating magubat at masukal na bukirin . Unti-unti nilang nalinis at sila ay nakapagsimulang mag-ani ng palay, mais, at iba pang halaman.

        Sa bahaging timog ng bayan Bongabong ay matatagpuan ang Barangay Cawayan na ang karamihang naninirahan ay mga katutubong Mangyan . Sila ay may kanya-kanyang bukid na sinasaka . Isang sityo ng Barangay Cawayan na kung saan ay matatagpuan ang angkan ni Yawed ang mabilis na umuunlad dahil sa likas na yaman at matatabang lupa na naangkop sa pagsasaka .Ang nasabing sityo ay tinawag ng mga katutubo na “OGBOT” na hango na rin sa salitang Mangyan na ang ibig sabihin ay maliit na lugar.

        Taong 1932 nang may dumating na mga Migrante mula sa lalawigan ng Romblon at Panay ang mga nakisalamuha sa mga katutubo . Lumipas ang mga taon at parami ang mga migrante mula sa iba’t-ibang lugar na naging dahilan upang ang mga katutubong Mangyan ay unti-unting lumipat papuntang kabundukan.

        Nagkaroon ng magandang samahan ang natitirang angkan ni Yawedat ng mga migrante at sila ay naghain ng kapasiyahan na maihiwalay ang sitio Ogbot at gawing isang ganap na barangay mula sa Barangay Cawayan.












Taong 1938 ng unang manungkulan bilang “Tenyente del Baryo” o Punong Barangay si G. Flaviano Galindez at ito sinundan nina:

G. Eusebio Madeja 1940-1947
G. Leonardo Francisco 1947-1952
G. Patrocenio Aniceto 1952- 1958
G. Leonardo Arboleda 1958-1962
G. Wolsie Fabila 1962-1964
G. Leominador Taytay 1964-1968
G. Eusebio Madeja 1968-1972(muling nahalal)
G. Pedro Gadon 1972-1982
G. Federico Nazareno 1982-1988
G. Nelson Gabutero, Sr 1988-1998

        Amg Barangay Ogbot ay may kabuuang lawak na 256 hektarya, may 186 na bahayan at may 956 na mamamayan . Ang mga karatig na lugar ay ang Barangay Labonan sa Hilaga, Barangay Dayhagan sa Timog, Barangay Kaligtasan sa Kanluran at Barangay Camantigue sa dakong Silangan

        Ang pangunahing pinagkakakitian ng mga mamamayan ay ang pagtatanim ng palay. Dahil sa ang Barangay ay napapaligiran ng ilog , ang pagtatanim ng palay ay nagagwang tatlong beses isang taon . Mayroon ding nag-aalaga ng hayop at nagtatanim ng gulay. May kanya-kanyang ibang hanap-buhay ang pinagkakaabalahan upang kumita at magkaroon ng maayos at masaganang pamumuhay . darating ang takdang panahon upang ang Barangay Ogbot ay kilalanin bilang isa maunlad na Barangay sa Bayan ng Bongabong dahil sa pagkakaisa ng mga mamamayan .


• Barangay Orconuma


MGA OPISYALES NG BARANGAY

Punong Barangay
MOISES CUSTODIO

MGA KAGAWAD
ARTEMIO FAJUTRAO
JOFFRE RAMAT
CHIQUITO GAMO
FRANCISCO DELLOVA JIMMY
JIMMY ANIGAN
CASDISID AMADO







• Barangay Polusahi History


        During the pre-war years, this place was uninhabited. It was still covered by forest, talahib ang tambo. Visayan huters called already the name of this place Puro-sahi a combination of two Visayan words “Puro” meaning island and “Sahi” which means selected, hence a selected island, a good hunting place for hogs and deers at that time.

        The Bongabong Rivers was at that passing near Polusahi from Ariray to Lapnag near the barrio of Cawayan. When the river overflow its banks, the low-land were covered with water, but a parcel more or less than thirty (30) hectares is elevated higher, so that water was only seen around it. It is now where the Barrio and school sites are located going down to the eastern part. Its looks like an island because it is surrounded by water of the flooding river. Wild hogs and deers stay in this hunting place. There were also at that many snakes and crocodiles.

        Aside from Mr. Jacinto de la Criz’s homestead which is now owned by the Fajilan’s and Mr. Marciano’s lands of Polusahi proper were occupied before World War II. The first occupants who tilled their lands are the Agustin brothers, Felino and Leopoldo together with Mr. Fructoso Aquino and Mr. Juan Lascano (deceased) and family. After the war, waves of descendants came from Tablas, relatives of Agustin’s, Faner’s, Ganan’s, Familara’s, Buhala’s and many others.








        During the administration of Ex-Mayor Dr. Angel Rodriquez he worked to make Polusahi a separate Barrio Labonan. He suggested that instead of combining two Visayan words Puro ang Visayan word Sahi, it would be nice to combine tagalog word Pulo and Visayan word Sahi, so Puro-sahi was change to Polusahi. The petition to make it a barrio was approved and the Ex-Mayor appointed at that time Mr. Felino Agustin’s administration, it was then followed by the following Barangay Captain’s namely: Deolito Fran, Juan Mantlla, Sulpicio Aquino, Jose Ganan and that present is Barangay Captain Agustin, the Barangay School become a complete elementary school, thru the effort of Mr. Godofredo Rubico, acting as T.I.C. of the Polusahi Elementary School Teaching force.

        It was also then the administration of Barangay Ben Agustin, the following infrastructure projects were constructed: Construction of Elementary School, Volleyball Court, Construction of E/S pathway, Construction of E/S CR’s, Construction of E/S Children’s playground apparatus, Construction of three (3) E/S Classroom’s, Construction of E/S Stage, Construction of E/S Library, Construction of E/S Flag pole and Construction of Barangay Multi-purpose Hall.


• Barangay Sagana History


Sang-ayon sa natitirang mga unang naninirahan sa barangay na ito ay naitatag ang barangay Sagana noong taong 1927 kasabay ng pagkakatatag ng bayan ng Bayan ng Bongabong. Tinawag itong barrio Sagana dahil sa angkin nitong kasaganaan sa mga likas na yaman.

        Ayon pa rin sa matatandang nabubuhay sa barangay sa kasalukuyan ay maituturing ngang isang mayamang batangay na barangay Sagana na likas sa yaman, tulad ng mga naglalakihang mga punong kahoy na pinakikinabangan ng isang mayamang negosyante na nagtayo ng sawmill mismo sa barangay Sagana. Narito rin ang maraming hayop gubat at ganun din ang naggagandahang sari-saring ibon bilang angking katangian ng kagubatan.

        Narito rin ang malulusog na puno ng buli na nagbibigay ng malaking kapakinabangang buhat sa mga dahon nito, tulad ng mga banig at maging ang mga bayong na ginagawang mga sisidlan ng palay o mais. Ito rin ang pinagkukunan ng mga residente ng tuba at narito na rin ang maraming uri ng mga isdang ilog, tulad ng hito, dalag, tilapia, maging ang hipon at ibat-ibang uri pa ng mga pagkaing nagbubuhat sa tubig maging ito man ay alat o tabang.

        Maituturing rin na magandang taniman ang lupang saklaw ng Barangay, na ito’y inumpisahang bukirin ng mga naninirahan sa pamamagitan ng pagkakaingin para taniman ng palay, mais at sari-saring mga palay, na hanggang sa matutuhan na rin nila ang mag-tanim ng niyog at saging na sa kasalukuyan ay nakapagdudulot ng malaking pakinabang sa mga naninirahan, kung kaya’t ang simbolo o logo ng barangay ay may larawan ng mga bunga ng nabanggit na mga halaman.












        Subalit ang kagandahang dating angkin ng kagubatan ay naglaho dahil sa mga taong nagsasagawa ng panghuhuli ng mga hayop gubat at maging ang mga ibon, sa pamamgitan ng iba’t-ibang pamamaraan ng panghuhuli, gayun din ang dating mga naglalakihangmga isda ay unti-unting nauubos sanhi ng nagbabagong pamamaraan ng pagsasaka, nalalasaon ang mga ito ng mga gamot na ginagamit para sa pamatay kulisap at mga uod na namiminsala sa mga tanim na palay. Subalit bagaman at nangawala ang mga dating naggagandahang angkin ng kagubatan at maging ang yamang ilog, ay napalitan ito ng malawak na palayan, sagingan, niyugan at iba’t-ibang mga punong prutas na patuloy na nagbibigay ng malaking pakinabang sa bayan na maipagmamalaki ng barangay Sagana sa kasalukuyan.

        Ayon pa rin sa mga naunang nanirahan ay kabilang sa mga nanunungkulan bilang mga pangulo ng barangay ay sina Ginoong Guyo Trivino, Ginoong Emilio Placido, Ginang Julia Matining, Ginoong Emilio Gonzales, Ginoong Eddie Aguilar, Ginoong Felipe Cueto na naglingkod ng mahigit dalawampung taon (20) at ang kasalukuyang Punong Barangay na si Ginoong Dionisio Gallos na nakapagsilbi na ng mahigit walong taon (8) at patuloy pa hanggang sa kasalukuyan.

        Sa kasalukuyan ay maituturing na ring mapalad na barangay ang barangay Sagana, sapagkat taglay nito ang maraming kaganapan ng mga proyektong patuloy na pinakikinabangan ng mga residente tulad ng free flowing na pinagkukunan ng malinis na inumin, ang maraming barangay road na nakapagbibigay ng malaking kaginhawahan sa mga naninirahandito, ganun din ang proyektong pailaw sa sitio Pandan na patuloy na pinakikinabangan at maging ang makinarya s tubig na ginagamit sa mga palayan kapag ito ay kinapos sa supply ng tubig.

        Sa kasalukuyan, bagaman ang mga taong naninirahan dito ay nagbuhat sa iba’t-ibang mga lalawigan ay hindi hadlang yon para makaapekto sa magandang pagsasamahan ng bawat isa at sa halip ay makikita dito ang magandang pagdadamayan sa iba’t ibang kaparaanan .


• Barangay San Isidro History


Bago pa man dumating ang mga mananakop na Hpon dito sa ating Bayan ng Bongabomg ang barangay ng SAN ISIDRO ay isa pa lamang sitio ng Barangay Sagana. Malayo sa kabihasnan, maraming naglalakihang mga puno, walang daan ng mga sasakyan patungo sa kabayanan at walang paaralan.

        Ito’y napapagitnaan ng Ilog Inuman at Ilog Pandan. Mabagal ang pag-unlad sa lugar na ito hanggang dumatimg ang isang trahedya na nagpabago sa takbo ng buhay ng mga naninirahan.

        Taong 1950, dumating ang napakalakas na bagyo na ang pangalan ay Wanda, sinira nito halos ang mga pananim at mga bahay dito sa Ilog Inumandumaan ang Bongabong River na naging sanhi ng maliit na pagbaha at pagkamatay an mga alagang hayop ng mga naninirahan dito. Kaya napilitang lumikas ang mga tao sa medyo mataas at ligtas na lugar, at dito nga sa Kanlurang bahagi ng Ilog Pandan inilipat ang maliit na pamayanan ng San Isidro. Dito sa lugar na ito unti-unting umunlad ang mga tao.

        May isang naninirahang magsasaka na ubod ng sipag, siya’y matiyaga at buo ang determinasyong mapaunlad ang kanyang sinasakang lupa at pamumuhay. Malawak ang kanyang bukirin at malulusog ang mga tanim, kung kaya’y si Mang Isidro ay bantog sa buong kanayunan. Naging huwaran siya at modelo ng mga taga-rito. Kaya’y sa kanyang pangalan hinango ang pangalan ng Barangay, na tuwing ika-14-15 ng Mayo ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan.










Lumipas pa ang matiyaga at mahirap na pakikibaka ng mga taga-nayon na nagkaroon ng liwanag at katuparan ang kanilang mga pangarap.

        Dumating ang dalawang guri upang pandayin ang kaisipan ng mga taga-rito. Sila’y sina Bb. Rufina Mangcoy naging Rufina Mangcoy Lineses, na namayapa na at Bb. Catalina Balald at ngayon ay Gng. Catalina Hulinganga. Sa simulay sa silong ng bahay sila nagtuturo upang hubugin ang kaisipan ng mga taga-rito. Hanggang sa dumating ang may ginintuang puso at nagdonasyon ng isang ektaryang lupain para sa pagtatayuan ng bagong Paarala. Siya’y si G. Iglesario Lopez.

        Sa pagtutulungan ng mga taga-rito at mga guro ay naitayo ang unang paarala na yari sa pawid at kawayan. Nagawan din ng daan buhat sa kabayanan hanggang sa San Isidro at naging madali ang para sa mga taga-nayon ang pag-luluwas ng mga produkto ng kanilang bukirin at nagsimula ang kalakalan.


• Barangay San Jose History


1943 Magubat at talahiban pa
BENITO DELA CRUZ Nagbigay ng dalawang (2) ektaryang lupang donasyon para sa barangay, Isa para sa barangay at isa para sa paaralan
Siya rin ang nagbigay ng pangalan ng San Jose na hinango sa patron ng San Jose.
1. PEDRO DELA CRUZ Tinyente del Baryo tiyempo hiyera ng Hapon na ang kanyang may bahay ay si JUANITA DELA CRUZ na ang paaralan ay sa silong ng kanilang bahay (I-II).
RURAL POLICE Tawag pa noon sa barangay tanod
Ikinabubuhay: mais, palay, kaingin system, kamoteng kahoy at iilang puno ng saging, Iilan ang kalabaw, labuyo, usa at baboy damo
2. ELESERIO LABAY
3. LEUTERIO RAMOS
4. INIANO GALINDEZ PAARALAN (I-II)
5. CRISOSTOMO TALADTAD
6. JUANITO TALADTAD
7. COSME SALIBIO I to VI/Basketball Court, PCSO Building
8. VIRGELLIO ARELLANO
9. PEDRO LABAY
10. RIZALITO TALADTAD Nagkaroon ng Barangay Hall
MARCOS TYPE (SCHOOL) SPAN
Nagkaroon ng Eleksyon AT Kapitan na ang tawag sa Tinyente del Baryo
11. DWIGHT ARELLANO Nabuksan ang Province Road patungong San Mariano Roxas,Oriental Mindoro
12. AMADO QUINPO
13. PRESENTACION TALADTAD Pagbubukod ng Barangay Hall
Acting Barangay Captian
14. RIZALITO TALADTAD OIC of the Barangay
15. PEDRO CABRAL 1 unit waiting shed
16. GIOVANNI M. TALADTAD Improvement of Barangay Hall Fence (Cyclone Wire), Health Center, Multi-purpose pavement, waiting shed, Basketball Court posts, Basketball Court Fence, (Cyclone wire) and gate, Gate of Barangay Hall.











        The income of the barangay becomes higher because of quary (Gravel and sand) Operation tambak (sand &gravel) sa tabing ilog .

        Nagkaroon ng sanga ng tubig, mga sitio ng barangay na siyang pinakikinabangan ng mga tao sa barangay na sa kanyang administrasyon na sa pamamagitan niya ang “AUTHORIZED COLLECTION” ng mga dating nagsisiipag-aral sa paaralan ng barangay ayy sagot ng sangguniang barangay (I-II)

        Nabuksaqn ang dating barangay Road papuntang sityo Quinabigan

        Pagkakaroon ng culvent at over-flow sa mga “DAGUKAN” ng mga sasakyan na sa kasalukuyang ito ay ginagamit at pinakikinabangan ng mga mamamayan dito sa Barangay.


• Barangay San Juan History


Ang Barangay San Juan ay isa sa tatlumput anim (36) na Barangay na bumuo ng Bongabong. Ito ay may layong pitong kilometro mula sa poblasyon kung kaya’t noong una ay binansagan itong Kilometrahe Siete. Isang baryo na ang karatig ay Barangay Bukal patungong Formon at Barangay Sagana, San Isidro at Luna.

        Noong taong 1946 ang pamilya ng Juan Dagli ang siyang naglupa sa lugar na ito. Sa mabuting pakikisama at paninirahan ng pamilya ng mga Dagli sa katauhan ni Juan Dagli ay nahirang itong mamuno dito noong taong 1947. Dahil sa mabuting pamamalakad at pagsasaayos ng lugar na ito na tinatawag na Siete na Nayon ng San Juan Dagli. Ang nagbigay ng pangalang ito ay dating Punong Bayan Rosendo Umali na kinuha niya sa pangalan ng kasalukuyang pamunuan na si Kapitan Juan Dagli at mula na nga noon hanggang Barangay San Juan.

        Nanungkulan si Kapitan Juan Dagli ng sampung taong singkad at sa looban ng panahong ito ay pinaunlad niya ang baryong ito. Nagkaroon ng Paaralan ng San Juan mula sa Unang Baitang hanggang Ikatlong Baitang ng mababang Paaralan at ang unang naging guro dito ay ang kanyang anak na ngayon ay tinatawag na Gng. Anday Dagli-Magpantay. Nagkaroon ng Barrio Hall, mga daang kalsada na nag-uugnay sa mga karatig barangay nito at ngayon sa kanyang panunungkulan ay nagpatayo ng Deep Well na pinagkukunan ng tubig inumin. Na dahil sa malaking kadahilanan ay noong taong 1957 ay pansamantalang nagpapalit si Kapitan Dagli at ibinigay niya ang pamunuan kay G. Luciano Ylagan. Noong 1958 ay muli na naman niyang hinawakan an gpamunuan ng San Juan hanggang dumating ang pagdedeklara ng Martial Law. Si Juan Dagli ay nag-resign noong 1973 dahil sa siya ay nanghihina na at ibinigay ang pamunuan kay Valentin Bayani. Noong 1976 ang naging Kapitan ay si G.Teodoro Catapang at siya ay madaling napalitan ni Valentin Bayani hanggang 1980. Noong taong 1981 ay nagkaroon ng halalan at nagwagi ay ang ngayong kasalukuyang kapitan na si Dagli na anak ng Juan Dagli.











        Sa kasalukuyan ang Barangay San Juan ay muling bumabangon sa pag-unlad at pagsasagana sa mahusay na pamamahala at pagpapalakad ng kasalukuyang pamunuan.

BARANGAY SAN JUAN
MGA OPISYALES NG BARANGAY

Punong Barangay
JAIME DAGLI

Mga Kagawad
ROMUALDO C. CRUZAT
SOFRONIO G. GARCIA
VICTOR CASAO
MARIO B. ROSALES
PASE B. DE GUZMAN
NICOLAS M. DAGLI
LITO C. ASI


• Barangay Sta. Cruz History


Ayon sa aming pananaliksik, ang nayon ng STA. CRUZ, ay magubat at bulubunduking lugar na matatagpuan sa timogang bahagi ng Bayan ng Bongabong na may sukat na humigit kumulang sa isang libong ektarya.Ang mga taong naninirahan dito ay mga katutubong Mangyan, kabilang dito ang mga Marinduqueno, at Batangueno, kung kaya’t ang unang pangalan nito ay “NAKSIB”, hinango sa pangalan ng isang maging na Mangyan, sapagkat sila ang unang nagpakabuhay sa Nayong ito.

        Lumipas ang mahabang panahon, ito ay unti-unting umunlad sa pagsisikap ng mga taong naninirahan sa nasabing Nayon, hanggang sa ito ay nagkaroon ng namumuno na kung tawagin ay Cabesa de Barangay sa katauhan ni G. ASELO hanggang sa ito ay tawaging Tenyente del Baryo na sinundan nina G. CRISANTO DELMO, DALMACIO MAYORES, at DIOSDADO MONREAL bilang isang kapitan del baryo, hanggang sa panunungkulan ni G. ARTEMIO VARGAS na ang pangalang Naksib ay pinalitan ng pangalang STA. CRUZ. Ito ay sa dahilang ang mga tao rito ay mahilig sa Santacruzan tuwing buwan ng Mayo. Hanggang sa bawian ng buhay si G. VARGAS at naging O.I.C si G. DOMINGO DE CASTRO. Pinalitan ni G. LEONICIO ORACION at sa kasalukuyan ito ay pinamumunuan ni G. ROLANDO MANSANADEZ.

        Ang Barangay Sta.Cruz ay may populasyon na humigit kumulang sa 2,000 katao. Angt pagkaraniwang ikinabubuhay ng mga naninirahan dito ay ang pagsasaka. Pangunahing pinagkakabuhayan ng mga tao dito ay saging, niyog, pag-tatanim ng gulay at pag-aalaga ng hayop.

        Sa kasalukuyan ang Barangay Sta. Cruz ay isa sa tahimik at maunlad na Barangay sa pagtutulungan at pagsisikap ng pamunuan ni Barangay Kapitan ROLANDO MANSANADEZ.









• Barangay Sigange History


Ang Barangay SIGANGE ay may layong siyam na kilometro (9 kms) mula sa bayan ng Bongabong at matatagpuan sa dakong hilaga ng Sta.Cruz, Bukal sa Timog, San Juan sa Silangan, Carmundo sa Kanluran at Malitbog sa Hilagang Kanluran. May lawak na walong daang ektarya (800 has.) total ng kalupaan at tinatayang pitong daan at dalawampung hektarya (720 has.) ang titulado nito. Binubuo ito ng anim na sitios; Masba, Lower at Upper Sigange, Centro, Lituan, at Buho.

        Taong 1938, ang lugar na itoay kagubatan pa, kung tawagin ng mga Mangyan ay Sigange. Ito’y nasasakupan ng Malitbog. Ito rin ang panahon na ang pamilya buhat sa pamayanan ng Sukol (ngayon ay Anilao) ay nakipamayan dito, mga Pedraza, Mongis at Estrope. Hindi nagtagal at sumunod ang pamilya Salvacion at Sol. Dito’y may nadatnan silang mangyan na sina Saay at Lingay. Sa kanilang mga labi namutawi ang katagang Sigange. Noong panahon ng Hapones, marami ang lumikas dito, at natuklasan nilang magandang lugar ito at naakit narin silang manirahan dito.

        Taong 1949-1950, nagkaroon ng lehitimong kasarilan at pamunuan ang Sigange at ginawang Roselfin, hango sa pangalan ng tatlong maimpluwensyang tao sa lugar na ito. Ang unang naging “Tenyente del Baryo” noong mga panahong iyon ay si G. Eugenio Pedraza. Noon ay may 59 pamilya pa lamang ang naninirahan dito na may kabuuang 842 katao. Taong 1950 ng magbukas ng unang paaralan dito na may antas na I at II, pansamantala sa bahay ng Tenyente del Barrio at ang unang naging guro dito ay si G. Federico Villapa.

        Lumipas ang ilang panahon hindi rin masiyahan ang mga mamamayan sa pangalang Roselfin at ibinalik sa dating pangalang Sigange. Sa kasalukuyan, ang barangay Sigange ay may 251 pamilya na may total na poipulasyong1,303 katao. Pangunahing produkto dito ay saging, palay , niyog ,prutas at gulay. May klimang malinis at malamig na simoy ng hangin na masarap panirahan ng tao. Pangunahing wika dito ay Tagalog. Maari at madaling marating an glugar na ito sa pamamagitan ng motorsiklo, tricycle at jeepneys. Sa sentro ng pamayanan natatayo ang gusaling pang-edukasyon na sa kasalukuyan ay may apat (4) na silid- aralan at pitong (7) mga guro sa pamamahala ni Gng. Erlinda Pedraza.












        Patuloy ang pakikipagugnayan ng kasalukuyang pamunuang Barangay ng Sigange sa pamahalaang bayan ng Bongabong hinggil sa mga pagawang pambarangay tungo sa ika-uunlad ng pamayanan. Inaasahan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagkakaunawaan ay maisusulong ang natawagang bagong pag-asa sa ilalim ng administrasyon ni Kgg. Mayor Alex I. Enriquez, kabalikat ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ng Pangalawang Punong Bayan Hercules A. Umali.

TALAAN NG MGA NAGING PINUNO NG BARANGAY SIGANGE

1. EUGENIO PEDRAZA - 1950-1956
2. EUFROCINIO ANULAO - 1956-1958
3. SIMEON BORBE - 1958-1962
4. FACUNDO VITTO - 1962-1966
5. FELIPE DE CASTRO - 1966-1970
6. FRANCISCO MANALO - 1970-1986
7. PABLO GALITA - 1986-1990
8. PRIMITIMO MAGNAYE - 1990 to present

MGA KAGAWAD:

ESMERALDO LUMAGUI - Kagawad
GLECERIA EBORA - Kagawad
VICTORIO MANALO - Kagawad
ALBERTO SERDONA - Kagawad
PEDRO ATIENZA - Kagawad
VENANCIO SALVACION - Kagawad
CEPRIANO ESTROPE - Kagawad
MANUEL MANALO - S.K. Chairman
RUFINO MEONADA - Kalihim
VICTORINO MACALALAD - Ingat-Yaman


• Barangay Tawas History


MGA OPISYALES NG BARANGAY

Punong Barangay
ROBERTO A. EBITE

Mga Kagawad
ROMULO C. VICTORIANO
JAIME MARASIGAN
RONILO N. MANALO
ANTHONY R. GAYETA
ERNANE M. SOSA
HIPOLITO A. EBITE
VALENTIN G. GACUTE